Mga residente, pinayuhang sundin ang babala ng lokal na pamahalaan sa bagyong Rosita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Hinimok ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang mga residente na apektado ng Bagyong Rosita na sundin ang mga kautusan ng paghahanda ng mga lokal na pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.

“Manatili pong nakahanda kasi hindi po natin alam ang mga nangyayari bagama’t pahina na ang hangin. Basta kung anuman ang sabihin ng Local Government units natin ay makipag-ugnayan at sundin para sa ikabubuti natin at magdasal po tayo para sa sakuna na ito maiwasan natin at ipagdasal din ang mga nasalanta ng bagyong Rosita sa ibang lugar lalu na sa Isabela kung saan ito naglandfall,” ayon kay Bishop Presto sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, bukod sa pagdarasal sa kaligtasan ng lahat ay mahalagang patuloy na maging handa lalu’t hindi batid ang badya ng panahon.

Nangangamba rin ang obispo sa mga kabuhayan ng mga residente na maaring maapektuhan ng bagyo.

“Ang pinangangambahan nga lang ay ang mga pananim sa mga bukirin. Ready for harvest na yun mga ‘yun at ito ay baka pag umulan nakadapa ang mga palay natin baka masira yan ang pinangangambahan ng karamihan,” ayon sa Obispo.

Pangunahing produkto ng mga taga-La Union ay palay, mais, mga prutas at gulay bukod pa sa pangingisda.

Ang La Union ay kabilang sa pinakamataas na produksyon ng palay sa bansa.

Sa kasalukuyan ayon sa obispo ay malakas ang hangin sa La Union subalit wala pa namang pag-ulan habang nakataas na rin ang Signal number 3 sa kanilang lugar.

Dahil sa babala ng bagyo na signal number 3, walang pasok sa mga tanggapan at lahat ng antas ng paaralan sa La Union.

Diocese ng Ilagan, Isabela

Ayon sa Ilagan Social Action Center, wala ng kuryente sa 34 na munisipalilidad ng Isabela at ilang mga bahay ang nasira sa pagdaan ng bagyong Rosita.

May 151 pamilya na rin ang inilikas mula sa munisipalidad ng Benito Soliven, Echague at San Isidro habang ilang mga simbahan din ang bahagyang nasira sa mga nasabing lugar.

Naghahanda na rin ang diyosesis ng pamamahagi ng relief goods sa higit na naapektuhang lugar lalu na sa Southern Isabela.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 87,824 total reads

 87,824 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 134,812 total reads

 134,812 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 182,683 total reads

 182,683 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 286,631 total reads

 286,631 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 368,779 total reads

 368,779 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top