Ipagdasal ang bansang Pilipinas at ang Pangulong Rodrigo Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 396 total views

Ito ang paanyaya ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa mga mananampalataya kaugnay na rin sa pahayag ng Pangulo na pangungutya sa tradisyon at pagdiriwang ng mga Katoliko sa All Saints at All Souls Day.

Bago ang pahayag na mga lasenggo at mga sira-ulo ang mga Santo ng Simbahan, naglabas ang pahayag ang Malacañang ng pakikiisa sa pagdiriwang ng mga Filipino sa Todos Los Santos.

Ayon kay Bishop David na siya ring Bise-Presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), hindi na bago na tawaging lasenggo at mga baliw ang mga Santo maging ang makaranas ng pag-uusig sa kanilang pananampalataya.

“There’s nothing new about our Saints being called “fools and drunkards”. St John the Baptist was even called “devil-possessed”. Jesus himself was called a “glutton and a drunkard, a friend of tax collectors and sinners” (Luke 7:33-35). The apostles at Pentecost were also called “drunkards” (Acts 2:13). To be a Christian is to be ready to be branded as a “fool for Christ”. Remember what Jesus said in Matthew 5:11-12, “Blessed are you when they insult you and persecute you and utter every kind of slander against you because of me. Rejoice and be glad, for your reward will be great in heaven. Thus they persecuted the prophets who were before you.” St. Paul too in 1 Corinthians 4:10, said, “We are called fools for Christ’s sake…” pahayag ni Bishop David.

Paalaala ng Obispo na sa katuruan ni Kristo na kailangan nating maging maaawain sa pakikisalamuha sa mga may sakit lalu’t nakikita na ring ng mga Filipino na ang bansa ay pinamumunuan ng may sakit na pinuno.

“Please remember, Jesus taught us to be Merciful when dealing with sick people. I think it should obvious to people by now that our Country is being led by a very sick man. We pray for him. We pray for our Country”, ayon sa facebook post ni Bishop David.

Noong nakaraang buwan, may limang milyong deboto ang nagbigay pugay kay St. Santo Padre Pio sa pagdalaw nito sa Pilipinas.

Si Padre Pio na una na ring inakusahan na sinasaniban ng demonyo ay kabilang sa higit 10 libong santo na opisyal na idineklara ng Simbahan.

Sa katuruan ng Simbahan binibigyan diin ang kahalagahan ng patuloy na Pananalangin sa mga namayapa at mga banal bilang pakikiisa o ‘Communion’ sa iisang pananampalataya na kapwa nangangailangan ng panalangin para sa kaluwalhatian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 38,217 total views

 38,217 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 112,831 total views

 112,831 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 192,910 total views

 192,910 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 236,049 total views

 236,049 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 234,841 total views

 234,841 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top