Vitamins ang maintenance ko hindi droga, Bishop David kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 405 total views

Hindi nagdo-droga kundi tumutulong sa mga nalululong sa masamang bisyo.

Ito ang tugon ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pinakahuling batikos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa hinalang gumagamit ng ilegal na gamot ang Obispo dahilan sa kanyang paggala sa gabi.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Davao City, sinabi niyang nagdududa siya kay Bishop David na sangkot sa iligal na droga dahil sa pag-iikot sa kaniyang nasasakupan.

“Into drugs? No sir, I’m not into drugs of any sort, whether legal or illegal. Never been, I only help in rehabilitating people addicted to drugs. I partner with the anti-drug abuse councils/offices of the local government units of Caloocan, Malabon and Navotas in this endeavor,” ayon sa Facebook post ni Bishop David.

Ayon pa sa Facebook account ng Obispo; “Thank God I am not even taking any maintenance drugs yet. I only take vitamins with fruit shake blended with malunggay in the morning. You might want to try it, Sir. It will do you a lot of good. God bless you.”

Sinabi ni Bishop David na siya ring Bise-Presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na abala ang diyosesis sa pagtulong sa mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Ito ay sa pamamagitan ng Salubong-isang community based drug rehabilitation ng diyosesis katuwang ang mga lokal na pamahalaan ng Caloocan, Malabon at Navotas.

Ang diyosesis ay mayroon ding ng scholarship program para sa mga naulila ng mga napatay dahil sa anti-drug war campaign.

Read: Diocese ng Caloocan, suportado ang Scholarships ng children of EJK victims

Una na ring nag-organisa ang simbahan ng mga community based drug rehabilitation bukod sa Salubong ng Kaloolan ilan din ang Sanlakbay ng Archdiocese of Manila; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; ang Labang ng Archdiocese of Cebu at ang Galilee Homes ng Diocese ng Malolos na 27 taon nang nagbibigay ng programa para sa lulong sa masamang bisyo.

Si Bishop David ay kilalang kritiko ng administrasyon sa mga pagpaslang sa mga iniuugnay sa ilegal na droga na una na ring pinaratangan ng Pangulong Duterte ng ‘korupsyon’ at paggamit ng donasyon ng simbahan para sa kanyang pamilya.

Read: Panibagong patutsada ng Pangulong Duterte, ipinagkibit balikat ni Bishop David

Sa tala ng human rights group, hindi bababa sa 20,000 ang bilang ng mga pinatay dahil sa ilegal na droga habang base sa Philippine National Police (PNP) may 4,000 ang bilang ng napapatay sa mga police operations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,986 total views

 28,986 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,600 total views

 103,600 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,679 total views

 183,679 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,818 total views

 226,818 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,161 total views

 226,161 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top