Full scale war sa rebeldeng komunista, ikinalulungkot ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 738 total reads

Ikinalungkot ng Obispo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang wakasan ang pakikipag-usap sa komunistang grupo.

Ayon kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, mahalaga ang pagkakaroon ng kapayapaan sa isang pamayanan at ang pakikipag-usap ang isa sa mga epektibong pamamaraan upang matamo ito.

“Ang kapayapaan ay kailangan natin kaya ang lahat na maari nating gawin para ito matamo dapat natin pagtiyagaan at pagsumikapan, ang peace talk ay mabisang pamamaraan upang magtamo ang pagkakasundo at kapayapaan,” pahayag ni Bishop Iñiguez sa Radio Veritas.

Inihayag ng Obispo ang kalungkutan sa pagkakaiba ng pananaw at kaisipan ng pamahalaan at makakaliwang grupo na nagpapalubha sa hindi pagkakasundo na maaring magdulot ng labanan at karahasan sa lipunan.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa Davao City noong ika – 26 ng Nobyembre, binigyan diin nitong wala nang pag-uusap sa pagitan ng New People’s Army, ang armed wing ng Communist Party of the Philippines at National Democratic Front of the Philippines.

Inihayag pa ng Pangulo ang full scale war ng mga sundalo at mga rebelde kung saan maging ang mga paramilitary ay hinimok na tumulong sa pagtugis sa mga rebelde.

Dahil dito, nangangamba si Bishop Iñiguez na magbubunga lamang ito ng kasamaan sa mamamayan tulad ng pagkitil ng buhay ng mga tao.

PEACE NEGOTIATIONS

Umaasa ang Obispo na mapag-iisipan ng mga nangangasiwa at nagsusulong ng usapang pangkapayapaan na ipagpatuloy ito dahil labis na kailangan ng bansa ang pagkakaisa at pagkakasundo.

“Sana mapag-iisipan na ituloy kasi kailangan natin ang kapayapaan at pagkakasundo,” dagdag pa ni Bishop Iñiguez.

Sa kabila nito, patuloy pa rin si Bishop Iñiguez katuwang ang mga Ecumenical groups sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan para na rin sa kapakanan ng bansa at mamamayan.

Bagamat ikinalungkot ang pahayag ng Pangulo na tapusin ang pakikipag-usap, sinisikap ng Obispo at mga kasamahan sa tulong ng panalangin ay maipakilala at maipapaunawa sa mamamayan ang kahalagahan ng peace talks.

BANSANG MARANGAL AT MAPAYAPA

Hinimok ni Bishop Iñiguez si Pangulong Duterte at ang mga opisyal sa pamahalaan na gumawa ng kagyat na mga hakbang sa pagtugon sa hindi pagkakasundo at mawakasan ang halos 5 dekadang pakikibaka ng mga komunista upang matamo ang mapayapang Pilipinas.

Iginiit ng Obispo na isa sa pundasyon ng matatag, marangal at maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa at kapayapaan.

“Kung matatamo, mapanatili at mapaunlad ang ating kapayapaan tayo ay maging isang bansang tunay na marangal at tunay na kalugod-lugod sa Panginoong Maykapal.” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,429 total reads

 78,429 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,068 total reads

 126,068 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,939 total reads

 173,939 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,887 total reads

 277,887 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,343 total reads

 360,343 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top