VeritasPH

The Word, The Truth

Diocese of Kalookan, kanlungan ng mga batang nawalan ng magulang sa war on drugs ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

 161 total views

Nilingap ng Diyosesis ng Kalookan ang mga naulilang indibidwal sa giyera kontra droga ng pamahalaan.

Ibinahagi ni Sr. Maria May Cano, OP ang Executive Secretary ng Commission on Social Service and Development Ministry ng diyosesis na kinalinga nila ang mga kabataang nawalan ng magulang at ang mga asawang nawalan ng katuwang sa buhay na biktima ng extra judicial killings.

“Layunin namin ay tumulong at tumugon sa mga widows at orphans na matugunan ang pangangailangan ng mga naulila sa giyera kontra droga,” pahayag ni Sr. Cano sa Radio Veritas.

Ayon sa Madre, naglaan ng pondo ang diyosesis sa pamumuno ni Bishop Pablo Virgilio David, ang kasalukuyang bise presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines upang matustusan ang pagpapaaral sa mahigit 30 kabataan na nasa grade school, high school at kolehiyo.

Pebrero ng taong kasalukuyan nang aprubahan ni Bishop David ang EJK victims’ Children Scholarship program upang mabigyang edukasyon ang mga kabataan, mailayo sa masasamang gawain at tulungang hubugin ang pagkatao bilang bahagi ng lipunan.

Ang inisyatibo ng Obispo ay pagpapakita ng konkretong pagtugon sa suliraning pagkaulila ng mga kabataan dahil sa pagkakapaslang ng mga magulang na isinangkot sa ipinagbabawal na gamot.

Inihayag din ni Sr. Cano na katuwang ng diyosesis sa programa ang ilang grupo tulad ng Tanging Yaman sa pangunguna ni Rev. Fr. Manoling Francisco, SJ, Ninoy-Cory Aquino Foundation na nagsagawa ng konsiyerto noong ika – 22 ng Hulyo, 2018 kung saan nakalikom ito ng 3 – milyong piso na inilaan sa scholarship program ng mga kabataan.

PAGBIBIGAY PAGSASANAY, ISIPIRITWAL, MORAL AT PANGKABUHAYAN

Bukod sa pagpapaaral sa mga kabataan ay pinagtutuunan din ng pansin ng Diyosesis ang mga asawang nawalan ng katuwang sa pagtataguyod ng kanilang mga anak.

“Ang mga parents naman ay binibigyan ko ng formation program, monthly po ito once a month po,” ani ni Sr. Cano. Ang mga formation na ibinahagi ng madre ay nakatuon sa iba’t ibang mga paksa tulad ng Laudato Si, stress management, how to handle trauma at iba pa upang mabigyan ng mas malawak na kaalaman ang mahigit sa 30 mga indibidwal na kasapi dito.

Binibigyan din ng pagkakataon ang mga kasapi na matutuhan ang paggawa ng mga produktong maaring mapagkakakitaan upang magkaroon ito ng hanapbuhay at maitataguyod ang kanilang pamilya.

Nauna nang natapos ang pagtuturo sa jewelry making kung saan anim ang nagtagumpay habang susunod naman ang pagtuturo ng acupuncture, isang uri ng alternatibong panggagamot.

Bukod dito ay mayroon ding mahigit 30 volunteers ang diocese sa Kaagapay program na nagbibigay ng counselling sa mga pamilyang nakararanas ng trauma dulot ng karahasan at pagkakapaslang ng kanilang mahal sa buhay.

Ang mga volunteers ay sumailalim sa mga pagsasanay sa Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM) habang ilan naman ay nakapagtapos sa ilang institusyong pang-edukasyon.

DRUG REHABILITATION PROGRAM

Taliwas sa paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot si Bishop David sa ipinagbabawal na gamot, aktibo ang Obispo sa paglunsad ng mga programang tumutulong sa mga nasangkot sa iligal na droga upang mabigyang lunas dahil ang adiksyon ay maituturing na uri ng sakit ng tao.

Katuwang ng diyosesis sa Salubong program, ang lokal na pamahalaan ng Kalookan, Malabon at Navotas na layuning matulungan ang sumukong drug addict na makapagbagong buhay.

Ang Task Force Salubong ay inilunsad ng diyosesis noong Oktubre 2016 at daan-daan na ang recoveries.

Batay sa Programang Pangrehabilitasyon ng Diocese ng Caloocan magkakaroon ng after care ang mga recoveries kung saan patuloy ang pagtitipon ng kanilang mga support group sa tulong ng mga Professional Counsellors upang matiyak na hindi babalik sa iligal na gawain.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 5,154 total views

 5,154 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 13,139 total views

 13,139 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 20,675 total views

 20,675 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 36,661 total views

 36,661 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 44,705 total views

 44,705 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 1,947 total views

 1,947 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 2,021 total views

 2,021 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 5,111 total views

 5,111 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 5,119 total views

 5,119 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 5,652 total views

 5,652 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 5,681 total views

 5,681 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 6,703 total views

 6,703 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 6,843 total views

 6,843 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 6,850 total views

 6,850 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 7,154 total views

 7,154 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 9,530 total views

 9,530 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 10,046 total views

 10,046 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 10,761 total views

 10,761 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 13,599 total views

 13,599 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan

 13,934 total views

 13,934 total views Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging matapang sa paghahayag ng katotohanan sa lipunan. Ito ang pagninilay ng cardinal sa paglunsad ng Rosas ng Sampiro Festival sa Makati City nitong June 23, 2024. Ayon sa arsobispo, tulad ng Mahal na Ina na buong tapang na nanatili sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top