Kristiyano, inaanyayahan na makiisa sa Red Wednesday memorial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 394 total views

Inaanyayahan ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña ang lahat ng mga kristiyano na makiisa sa gaganaping Red Wednesday campaign sa iba’t-ibang simbahan sa ika-28 ng Nobyembre, 2018.

“Red is a symbol of blood, perish and failure and also a symbol of readiness to defend our faith even if it would include our death,” pahayag ni Bishop Dela Peña sa panayam ng Radio Veritas.

Ang Red Wednesday prayer campaign ay para sa mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya na inisyatibo ng Aid to the Church In Need (ACN) sa United Kingdom na ipinagdiriwang din sa Brazil, Malta at Italy.
“Itong Red Wednesday natin na pangalawang taon natin ito dito sa Pilipinas na magkakaroon tayo ng Red Wednesday memorial. Commemoration, pakikiisa natin sa mga churches, Christian communities who has to endure persecution,” ayon kay Bishop Dela Peña.

Ngayong taon, kabilang sa nasabing kampanya na lalahukan ng may 1,300 mga parokya at paaralan mula 42 diyosesis sa buong bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng pagdaraos ng misa, sama-samang panalangin at pagpapailaw ng pula sa mga simbahan at mga gusali.

Pangungunahan naman ni Fr. Teresito ‘Chito’ Suganob ng Prelatura ng Marawi ang misa sa Manila Cathedral alas-5:30 ng hapon.

Read: Magsuot ng pula sa Miyerkules

Una na ring idineklara ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Red Wednesday bilang ‘National Day of Prayer for Persecuted Christians.’

Bishop Dela Peña sa House of Lords, UK

Naging panauhin naman si Bishop Dela Peña sa paglulunsad ng ‘Movement for the Promotion of Religious Freedom’ sa House of Lords sa United Kingdom.

Ayon sa Obispo, bagama’t mapait ang karanasan ng Marawi ay isang karangalan na maihayag sa ibang panig ng mundo ang naganap at nagaganap na pag-uusig laban sa pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.

“I was asked to share about our experience in Marawi. It was a rare honor for us to tell our narrative, to the world. Because they said there is not much news they are getting about what happened in Marawi,” ayon pa kay Bishop Dela Peña.

Nanindigan si Bishop Dela Peña na mahalagang maipaalam sa international community ang lumalang suliraranin ng pag-uusig laban sa pananampalataya na nangyari maging sa Pilipinas o sa Marawi City.

Iginiit ng Obispo na ang pag-uusig ay maraming mukha sa kasalukuyan na nararanasan ng malaking bilang ng mga kristiyano.

Taong 2017 nang makaranas ng pag-uusig ang mga Muslim at Kristiyano sa Marawi City nang lusubin ng mga terorista ang lungsod na nagresulta sa pagkamatay ng may 1,000 katao kabilang na ang mga sibilyan.

Sa tala ng 2018 World Watch List umaabot sa higit 200 milyong katao sa buong mundo ang nahaharap sa pag-uusig dahil sa kanilang pananampalatayang kristiyano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,840 total views

 28,840 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,454 total views

 103,454 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,533 total views

 183,533 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,672 total views

 226,672 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,025 total views

 226,025 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top