Senador Trillanes, hindi sang-ayon sa kasunduan ng Pilipinas at China

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total views

Hindi sang-ayon si Senator Antonio Trillanes IV sa naging kasunduan ng Pilipinas at China kaugnay sa ‘oil and gas development’.

Ayon sa mambabatas, base sa Memorandum of Agreement (MOU) na kabilang sa 29 na kasunduan na nilagdaan ng dalawang bansa ay binibigyan ng karapatan ang China sa mga isla na pag-aari ng Pilipinas.

“Itong MOU ng Philippines and China, maling-mali po ito dun sa anggulo wording ng MOU na ‘yun na it will cover relevant maritime areas daw. Mali po yung wording na ‘yun kasi ibig sabihin nun pati kunwari ang eastern coast natin sa may pacific side…’yung Benham Rise, ibig sabihin puwede pa rin silang may claim doon nirecognize natin. Dapat doon lang yan sa disputed maritime areas. For example, dun sa Kalayaan islands group kung saan nag-o-overlap yung iba’t ibang territorial waters,” ayon kay Trillanes sa panayam ng Radio Veritas.

Naunang iginiit ni CBCP Permanent Committee on Public Affairs Executive Secretary Father Secillano na dapat isapubliko ng administrasyong Duterte ang nilagdaang kasunduan sa China.

Read: Administrasyong Duterte, hinimok na maging transparent sa kasunduan sa China

Iginiit ng mambabatas na base sa kasunduan kabilang sa mga saklaw ang mga mahahalagang maritime areas sa gagawing exploration.

Kabilang na dito ang mga ‘disputed islands’ at mga islang pag-aari ng Pilipinas tulad ng Benham Rise at Scarborough Shoul- na idineklara naman ng arbitration court bilang pag-aari ng bansa.

Dagdag pa ni Trillanes ang ginawa ng gobyerno ay hayagang pagbebenta sa interes at teritoryo ng bansa.

Inihayag ng mambabatas na dalawang araw bago ang pagbisita ni Chinese President Xi-Jinping ay nagsumite na sila ng resolution makaraang malaman na ang China ang gumawa ng draft ng MOU.

Sa isang mensahe ni Pope Francis sinasaad sa katesismo ng simbahan na ang kayamanan ng mundo ay nilikha para sa kapakanan ng lahat bagama’t binibigyang pagkilala ang karapatan sa pagmamay-ari.

Paliwanag ng Santo Papa, nilikha ang mga kayamanang ito hindi lamang para sa iilan kundi maging paraan ng bawat isa sa pagbabahagi sa kapwa at kabutihan ng mas nakakarami lalu na sa mahihirap na sa matagal nang panahon ay napag-iiwanan ng pag-unlad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 31,309 total views

 31,309 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 105,923 total views

 105,923 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 186,002 total views

 186,002 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 229,141 total views

 229,141 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 228,338 total views

 228,338 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top