Huwag matakot at patuloy na manindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 554 total reads

Ito ang hamon ni Bangued Bishop Leopoldo Jaucian sa bawat kabataan kasabay ng paglunsad sa Taon ng mga Kabataan.

Ayon sa Obispo na tagapamuno ng Komisyon ng Kabataan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, bilang malaking gampanin ng mga kabataan sa pakikiisa sa pagtatanggol ng pananampalatayang Katoliko.

“Huwag tayong matakot dapat tayo ay tumayo, ipaglaban at isabuhay natin ang ating pananampalataya, so we stand for our faith and that will be the greatest witness na anumang mangyari ay hindi tayo papaapekto, hindi tayo matatalo sa anumang batikos sa atin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jaucian sa Radio Veritas.

Dahil dito, dapat aniyang malaman ng mga kabataan na sila ay iniibig ng Diyos at ng Inang Simbahan at higit na mauunawaan na sila ay isinugo ng Panginoon sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng Simbahang Katolika lalo na sa Pilipinas.

Hinimok pa ng Obispo ang mga kabataan na magtiwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos na nagpapasigla at nagbibigay lakas sa bawat mananampalataya.

“In God’s love no one can separate us and no one can really hinder us from living our faith,” ani ng Obispo.

Hinikayat pa ni Bishop Jaucian ang mga kabataan na sama-samang tupdin ang tawag at misyon ng Simbahan na hanapin at lingapin ang mga nalilihis ang landas at humihinang pananampalataya bilang pagtalima sa tema ng Year of the Youth na “Filipino youth in mission: Beloved, Gifted, Empowered”.

Kaugnay dito pormal na inilunsad ang Year of the Youth sa Diyosesis ng Balanga sa Bataan kasabay ng pagtatapos sa ika – 9 na Central Luzon Youth Pilgrimage 2018 na dinaluhan ng halos 3, 000 mga kabataan sa ika – 2 ng Disyembre ang unang Linggo ng Adbiyento at pagsisimula sa panibagong taon sa liturhikal na kalendaryo ng Simbahang Katolika.

Sa isang mensahe ng Kaniyang Kabanalan Francisco hinimok nito ang mga kabataan na maging aktibong kasapi ng Simbahan at maging katuwang sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 23,561 total reads

 23,561 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 130,551 total reads

 130,551 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 167,338 total reads

 167,338 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 197,912 total reads

 197,912 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 245,360 total reads

 245,360 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top