Eukaristiya, pinakamataas na uri ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,980 total reads

Binigyang diin ng isang Obispo na mahalaga ang pagdalo sa Banal na Misa bilang pinakamataas na uri ng pananalangin ng mga mananampalatayang Katoliko.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Alberto Uy, sa Eukaristiya ang bawat isa ay makibahagi sa pag-aalay ng buhay ng Panginoong Hesus upang matubos ang kasalanan ng sangkatauhan.

“We believe that as we celebrate the Eucharist with the lord Jesus we offer the sacrifice, ang atong mga kasinatian sa kinabuhi atong ihalad uban kang Kristo ug kini maoy maghatag nato ug kaluwasan [We believe that as we celebrate the Eucharist with the lord Jesus we offer the sacrifice, ang ating mga karanasan sa buhay, ialay natin sa Panginoon at ito ay magiging daan sa ating kaligtasan],” pagninilay ni Bishop Uy.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga para sa mananampalatayang Katoliko ang pagdalo sa Banal na Misa sapagkat sumusunod tayo sa utos ng Panginoong Diyos na Mangilin sa araw Linggo at mga araw na dapat ipangilin.

Ang pagninilay ni Bishop Uy ay bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hinimok ang mamamayan na huwag magtungo sa mga Simbahan at dumalo sa mga Banal na Misa kundi manatili na lamang sa mga bahay upang magdasal.

Ayon kay Bishop Uy, bagamat makahulugan din ang sama-samang pagdadasal ng buong pamilya sa bawat tahanan, mahalaga rin ang pagtitipon ng buong sambayanang Kristiyano sa Banal na Eukaristiya sapagkat ang sambayanan ang tunay na Simbahan at hindi ang mga gusali.

Dahil ditto, hinimok ng Obispo ang mamamayan na magkaisa sa pananalangin para sa Pangulo at lahat ng namumuno sa bayan upang magabayan sa bawat programang ipatutupad sa bansa na makasusunod sa kalooban ng Panginoon.

“This is our obligation as citizens of the country, maghiusa gyud ta sa pag-ampo para sa atong presidente aron ang iyang mga pagabuhaton, ang iyang mga damgo para sa nasod, mahisubay gyud sa mga pamaagi sa Ginoo [This is our obligation as citizens of the country, magkaisa tayo sa panalangin para sa ating Pangulo upang ang lahat ng kaniyang gagawin at pangarap para sa bansa ay naaayon sa kagustuhan at pamamaraan ng Panginoon].” ani ng Obispo.

Batay sa tala ng Catholic Directory ang Diyosesis ng Tagbilaran ay binubuo ng halos 800, 000 Katoliko na kabilang sa mahigit 80 porsiyentong Katoliko sa kabuuang populasyon sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 20,394 total reads

 20,394 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 127,599 total reads

 127,599 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 164,386 total reads

 164,386 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 194,960 total reads

 194,960 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 242,520 total reads

 242,520 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top