Mga kabataan, K ng simbahan at lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 962 total reads

Inihayag ng isang opisyal ng Simbahang Katolika na mahalaga ang sektor ng mga kabataan sa lipunang ginagalawan.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ng CBCP, dapat alalahanin ng mga kabataan lalo na ang mga anak ng Overseas Filipino Workers na sila ang inspirasyon ng bawat OFW na magulang sa pagsusumikap sa ibayong dagat.

“We greet our youth especially the sons and daughters of our OFWs. Please remember mayroon kayong K, that is: Kabataan, kayo ang kaligayahan ng inyong mga magulang. Kabataan, kayo kayamanan ng inyong magulang. At kabataan, kayo ang kalakasan ng inyong mga magulang,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay sa pagbubukas ng Taon ng mga Kabataan sa Simbahang Katolika sa Pilipinas na pormal inilunsad noong ika – 2 ng Disyembre na ginanap sa Bataan People’s Center.

Ibinahagi ni Bishop Santos na sa pagpupulong sa Roma hinggil sa sektor ng mga migrante, ipinagmalaki ng Obispo na ang mga anak ng OFW sa Pilipinas ay maaasahan at ginagamit sa wastong pamamaraan ang perang pinaghihirapan ng kanilang mahal sa buhay sa ibang bansa.

“Hindi sila pasaway at problema bagkus sila ay naglilingkod sa Simbahan at mga kabataang nakikibahagi sa Parokya at ang kanilang panahon ay ginugugol sa mga magagandang gawain sa Simbahan,” ani ni Bishop Santos.

Ipinaliwanag ng Obispo na nagsusumikap sa pag-aaral ang mga kabataan upang ipakita sa mga magulang na O-F-W na may pinatutunguhan ang bawat sentimong kanilang kinikita sa paghahanapbuhay.

Kasabay ng paglunsad ng Year of the Youth binabati at nakiisa ang CBCP-ECMI sa lahat ng mga kabataan sa Pilipinas sa pagdiriwang ng kanilang taon bilang paghahanda sa ika – 500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Hamon ni Bishop Santos sa kabataan na gamitin itong pagkakataon upang ipamalas ang kanilang talento at kasanayan sa paglilingkod sa Panginoon at pakikibahagi sa misyon ng Simbahan na lingapin ang mga tumatamlay ang pananampalataya.

Sa tala, mula sa higit 80 milyong katoliko sa buong Pilipinas ay 20-porsiyento rito ang bilang ng mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,646 total reads

 23,646 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,170 total reads

 8,170 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 48,731 total reads

 48,731 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,263 total reads

 76,263 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 124,528 total reads

 124,528 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,300 total reads

 146,300 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top