SLP, umaasang mapanibago ng panalangin ang pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 622 total reads

Umaasa ang isang grupo ng Simbahang Katolika na mapanibago si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng nagkakaisang panalangin ng bawat mananampalataya.

Naniniwala si Dr. Marita Wasan, Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas sa Banal na Espiritu na sa taimtim na pananalangin ay malabanan ang mga negatibong pahayag ni Pangulong Duterte.

“Bilang isang lingkod ng Simbahan ipagdarasal natin ang ating Pangulo na nawa’y maliwanagan siya,” pahayag ni Wasan sa Radio Veritas.

Naniniwala rin si Wasan na dahil sa paggamit ng fentanyl ng pangulo para sa kaniyang karamdaman kaya’t ang mga pahayag nito ay mga negatibo at kawalan ng delikadesa.

Magugunitang sa inilabas na pahayag ng Sangguniang Layko ng Pilipinas hinimok nito ang mananampalataya na manindigan para sa Panginoon at pananampalataya sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawaing banal ng Simbahan lalu’t higit ang pagdalo sa mga Banal na Eukaristiya.

Bukod dito ay hinikayat ng grupo ang bawat Katoliko na hindi lamang sa Salita ang pagsasabuhay ng mga turo ng Panginoon kundi mas ipakikita ito sa gawa bilang mga tagasunod ni Kristo.

Naniniwala si Wasan na mawawakasan din ang tila krisis na kinakaharap ng sambayanan kung sama-sama ang mga 99 na porsiyentong mga layko na bumubuo sa Simbahang Katolika na siya ring kasapi sa pamahalaan ng Pilipinas.

“Sana matapos itong pangyayaring ito na sa tingin ko malaking krisis para sa atin bilang Katoliko ay matatapos din sa pamamagitan ng tulong ng ating Panginoon at Banal na Espiritu,” ani ni Wasan.

Hinimok din ni Wasan ang 54 na lay organization at 53 diocesan council of the laity na maglabas din ng mga katulad na pahayag upang maipakikita ang pagkakaisa at maipararating kay Pangulong Duterte ang damdamin ng mamamayan.

Sa pahayag ng Pangulo kasabay ng awarding ceremony ng 2017 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities na ginanap sa Malacañang, tila hinimok nito ang mamamayan na patayin ang mga Obispo dahil sa pamumuna sa kaniyang pamamalakad sa bansa habang sa isang talumpati ng hinimok nito ang mga tao na huwag dumalo sa mga Misa sa Simbahan kundi manatili na lamang sa mga tahanan upang magdasal.

Subalit sa pagninilay ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ipinaliwanag nito na bagamat makahulugan ang sama-samang pagdarasal ng mag-anak sa mga tahanan ay mas higit na mahalaga ang pagtitipon ng mga mananampalatayang Katoliko sa bahay dalanginan.

Read: Eukaristiya, pinakamataas na uri ng panalangin

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,628 total reads

 23,628 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 8,143 total reads

 8,143 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 48,704 total reads

 48,704 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 76,237 total reads

 76,237 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 124,502 total reads

 124,502 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 146,275 total reads

 146,275 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top