ENDO ng contractualization sa bansa, political gimmick lamang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 366 total reads

Ito ang naging saloobin ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commision on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo matapos mangako ang mga kandidato sa pagka – pangulo na wawakasan nila ‘labor contractualization’ o ENDO o ‘end of contract’ sa bansa.

Dismayado si Bishop Pabillo sa huling debate ng mga presidentiables dahil pinupulitika lamang ang pangako sa mga manggagawa.

“Wala naman silang ipinakitang suporta doon hindi natin alam kung yung sinasabi nila yan ay talagang paninindigan nila o baka ‘political gimmick’ lang naman yan. Pero nasabi na nila yun naka – record na yan at yan ay pwede nating panagutin sa kanila na talagang hindi nakakatulong ang kontrakwalisasyon,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Umasa naman si Bishop Pabillo na susuportahan ng mga presidentiables ang pagpapatupad nang batas laban sa kontrakwalisasyon na siya sanang magandang solusyon upang labanan ang pagiging sakim ng ilang negosyante sa kanilang kita.

“Sana sinabi nila na ipapatupad nila ang batas dahil may batas naman na laban diyan at talagang hahabulin nila kahit na yung mga malalaking kumpanya na gumagawa ng kontrakwalisasyon na sana sinabi nila. Lalo na yung mga malls tsaka yung mga industriya na gumagawa noon na hindi nila pauunahin yung investment kaysa sa karapatan ng mga manggagawa,” panawagan ni Bishop Pabillo sa mga kandidato.

Batay naman sa nilikhang Presidential Decree No. 442 noong 1974 o ang Labor Code of the Philippines hindi nito pinapayagan kontrakwalisasyon sa trabaho, ngunit ang naturang batas ay nahanapan ng butas ng ilang mga employers na siyang nagbigay buhay sa contractualization.

Nabatid naman na sa 2014 Integrated Survey on Labor and Employment ng Philippine Statistics Authorty sa mga kumpanya na may 20 at higit pang mga empleyado, 39 na porsyento o 1.96 na milyon ng kabuuang 5.06 na milyong manggagawa ay hindi regular o pawang kontrakwal lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 30,471 total reads

 30,471 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 116,675 total reads

 116,675 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 163,414 total reads

 163,414 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 211,286 total reads

 211,286 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 313,768 total reads

 313,768 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,528 total reads

 312,528 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,807 total reads

 418,807 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top