Kabataan, hinimok na maging bahagi sa misyon ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,744 total reads

Inihayag ng pinunong lingkod ng Diyosesis ng Tagbilaran na dapat magkaisa ang mananampalataya sa paghikayat sa kabataan na maging bahagi sa misyon ng Simbahan na pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Sa pagninilay ni Bishop Alberto Uy sa pagdiriwang ng Taon ng mga Kabataan, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga kabataan sa Misyon ng Simbahang Katolika lalo na sa kapwa kabataan.

“Ang katawhan sa Diyos gidasig nga magpakabana sa kabatan-onan, dasigon nga muapil sa misyon sa simbahan, sila usab mahimong tigsangyaw ngadto sa ilang isig kabatan-on. [Ang sambayanan ng Diyos ay hinimok na pahalagahan ang mga kabataan, hikayatin silang makiisa sa Simbahan at maging misyonero sa kanilang kapwa kabataan.]” bahagi ng pagninilay ni Bishop Uy.

Ayon pa sa Obispo, dapat maunawaan ng mga kabataan kung paano at gaano kalaki ang pagmamahal ng Diyos sa bawat bata upang mahubog ang kanilang kaisipan sa dakilang pag-ibig ng Diyos.

Binigyang pansin ni Bishop Uy ang kalinga ng Simbahang Katolika sa mga kabataan sa pamamagitan ng Parish Youth Ministry kung saan hinuhubog ang mga ito sa pamumuhay na nakasusunod sa mga turo ng Panginoon.

Bukod dito, hinikayat ni Bishop Uy ang sambayanang Kristiyano na gabayan ang mga kabataan upang gamitin ang kanilang talento at kalakasan sa pagiging bahagi ng pamayanan.

Batay sa tala sa mahigit 80 porsiyentong Katoliko sa kabuuang populasyon ng Pilipinas, halos 20 porsiyento dito ay mga kabataang may edad 15 hanggang 24 na taong gulang.

Ang pagdiriwang ng Year of the Youth ng Simbahang Katolika sa 2019 ay bilang paghahanda sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas na ipagdiriwang sa 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 82,510 total reads

 82,510 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 123,070 total reads

 123,070 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 145,918 total reads

 145,918 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 194,186 total reads

 194,186 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 213,052 total reads

 213,052 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top