Enough is enough

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total views

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nararapat lamang ipagtanggol ang pananampalatayang Katoliko laban sa mga sumisira dito.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, napapanahon nang manindigan ang Simbahan at hindi ipagsawalang bahala ang pang-aatake sa pananampalataya lalo’t ito’y mula sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

“Catholicism in the Philippines is under attack, ironically, from the highest governing official of the land. The Philippine church is in a stance where it has to defend its faith and beliefs. Enough is enough,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang tunay na mananampalataya ay nakahandang tumayo para ipagtanggol ang Simbahan sa mga paninira, pananakot at pambabanta sa mga pastol ng sambayanan ng Diyos.

Iginiit ng pinuno ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na ang pagsasalita ng mga Obispo laban sa mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi paghihiganti kundi pagtatanggol lamang sa masasamang salita na ipinupukol sa katuruan ng Simbahan partikular sa Panginoong Hesukristo at sa Banal na Santatlo.

“Yes, the Bible taught us to reject revenge and retaliation and turn the other cheek but being a true follower of Christ does not mean we will turn a deaf ear to the verbal abuses hurled against the Catholic church and its clergies,” dagdag ni Bishop Santos.

Ito ang tugon ni Bishop Santos sa pahayag ni Atty. Salvador Panelo, tagapagsalita ng Pangulo na dapat hindi mangingi-alam ang Simbahan sa pamamalakad ng Pangulo sa pamahalaan sa kabila ng maaanghang na salita laban sa mga Obispo at Paring hindi sumasang-ayon sa mga polisiyang ipinatutupad.

Nanindigan si Bishop Santos na hindi dapat palagpasin ang mga panghahamak ng pangulong Duterte.

“We believers, must not sit passively in one corner and let the tirades go on. We have voiced our opinions,” ayon kay Bishop Santos.

PANANAGUTAN SA DIYOS
Gayunpaman, sinabi ni Bishop Santos na hindi kailangan ng Diyos ang sinuman para ipagtanggol ito mula sa mga nanghahamak sa Kaniyang pangalan dahil ito ang maghahatol sa huling araw.

“After all, the Creator of heaven and earth does not need us or anybody to defend Him. The absolute truth remains that one day, those who mock God will face Him in the judgement throne and give an account for every single blasphemy said against Him,” dagdag ng Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 18,356 total views

 18,356 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 92,970 total views

 92,970 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 173,049 total views

 173,049 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 216,188 total views

 216,188 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 216,164 total views

 216,164 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top