Simbahan, nakahandang makipagtulungan sa Duterte administration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,003 total views

Iginiit ni NASSA/Philippines executive secretary Father Edu Gariguez na ang Simbahan ay kumikilos at sumusuporta sa kapakanan ng mga mahihirap lalu na sa mga biktima ng kalamidad sinuman ang pangulo ng Pilipinas.

Nilinaw ni Father Gariguez na ang Simbahan ay pumapasok bilang suportang grupo dahil madalas mabagal at kulang ang tulong ng gobyerno sa mga higit na nangangailangan ng tulong.

“Tayo ay nagko-complement o nagbibigay suporta dahil nakikita natin sa maraming pagkakataon ay kulang o mabagal ang gobyerno kaya tayo pumapasok bilang suportang grupo kailangan natin dagdagan ang tulong kaya po lagi tayong nagnanais na makipagtulungan sa pamahalaan.hindi tayo namimili kahit sino ang mahalal na pangulo ng bansa as long ay makakatulong sa mga tao,mga biktima ng kalamidad, kahit na anong kulay ng gobyerno hindi tayo namimili,” pahayag ni Father Gariguez sa 1st National Caritas Humanitarian Response Summit sa Legazpi, Albay.

Inihayag ng pari na tungkulin ng Simbahan higit ng gobyerno na tulungan ang mga mahihirap lalo na ang biktima ng mga kalamidad.

Umaasa si Father Gariguez na tunay na maging makamahirap ang Duterte administration na siyang ninanais ng sambayanang Pilipino.

“Pinagkakaisan natin dito ay pagtulong sa higit na nangangailangan.tungkulin ito ng simbahan higit na tungkulin ng gobyerno.Kaya gusto natin ang gobyerno ay makahirap,yun ang hamon sa gobyernong papasok,gobyerno ni president elect duterte,talagang sana ay makamahirap,bahagi ito ng pagbabagong ninanais ng tao dinggin ang kanilang hinaing”.pahayag ni Father Gariguez sa Radio Veritas.

Sa katatapos na disaster summit sa Legazpi City, pinagtibay ng 70-social acter center ng Simbahang Katolika sa Pilipinas, Caritas Manila, Quiapo church, apat na member organization ng Caritas Internationalis at Radio Veritas ang nagkakaisa at mabilis na disaster preparedness at pagtugon sa pananalasa ng anumang kalamidad sa bansa.

Kinatigan ng ibat-ibang social arm ng Simbahan ang pagtatayo ng isang disaster communication hub sa pangunguna ng Radio Veritas upang maging mabilis ang koordinasyon at pagpapakalat ng impormasyon sa mga paghahanda bago at matapos ang pananalasa ng kalamidad.

Layon nitong ihanda ang buong komunidad sa anumang sakuna para maiwasan ang casualty at property damage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 6,200 total views

 6,200 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 39,282 total views

 39,282 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 67,633 total views

 67,633 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 135,363 total views

 135,363 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 158,007 total views

 158,007 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top