YSLEP Telethon para sa mga kapus-palad na mag-aaral, suportahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 379 total views

(Photo by Marnel Sibayan Lina)

Hinimok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang mga mananampalataya na suportahan ang nalalapit na telethon ng YSLEP o Youth Servant Leadership and Education Program ng Caritas Manila sa ika–6 ng Hunyo Lunes.

Ayon kay San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng komisyon, pagkakataon ang naturang telethon upang matulungan ang mga kapus–palad na mga estudyante na naghahangad makapagtapos ng pag – aaral at matulungan ang kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Bishop Mallari malaki ang naia-ambag na tulong ng YSLEP sa 5,000 nitong mga iskolar lalo na sa mga indigenous peoples at mga Muslim na estudyante.

“Inaanyayahan po namin kayo na sana ay suportahan natin ang telethon na gagawin po ng Caritas Manila sa Radio Veritas para makabuo ng P5 million para masuportahan po ang 5,000 scholars natin sa buong Pilipinas. May mga scholars po tayong mga Muslims rin at mga IPs mga kapatid nating na nasa laylayan ng ating lipunan na nangangailangan po ng ating tulong. Malaki pong bagay ang maitutulong natin sa buhay ng mga batang ito. Sana po magsama – sama tayo para sa ganun ay matulungan po natin itong mga estudyante natin na natutulungan po ng Caritas Manila. God bless you po sana ay lagi pa kayong biyayaan ng Panginoon sa inyong kabutihang loob,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari sa panayam ng Veritas Patrol.

Isasagawa ang telethon sa Lunes mula alas – 6 ng umaga hanggang alas – 6 ng gabi, target nito na makalikom ng P5 milyong piso para masuportahan ang isang taong pag – aaral ng 5,000 nitong iskolar sa buong bansa.

Nabatid na nasa 10,000 na ang napatapos ng YSLEP o mas kilala noon bilang Educational Assistance Program o EAP ng Simbahang Katolika na humuhubog sa moral ng mga kabataan bilang mga susunod na lingkod bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 8,731 total views

 8,731 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 41,813 total views

 41,813 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 70,164 total views

 70,164 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 137,894 total views

 137,894 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 160,320 total views

 160,320 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 150,905 total views

 150,905 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 314,525 total views

 314,525 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top