Pagdadala ng bag sa loob ng Simbahan, ipinagbawal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total reads

Ipinagbabawal na ang pagdadala ng mga bag tulad ng mga backpack at knapsacks sa loob ng simbahan sa Archdiocese of Davao.

Ito ayon sa inilabas na circular letter ni Davao Archbishop Romulo Valles bilang bahagi ng ‘security measure’ na ipinatutupad ng simbahan sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police.

Ang liham ay may petsang January 29, 2019 na ipinadala sa mga parokya at mga kapilya sa Davao upang ipaalam sa mga mananampalataya ang kautusan bilang bahagi ng pag-iingat na ipinapatupad.

Ayon pa sa liham ni Archbishop Valles, tanging malilit na bag lamang ang maaring ipasok sa loob ng mga simbahan.

“Brothers and Sisters, due to the current peace and order situation vis-à-vis of violence, please be informed that starting today, for all churchgoers, is not allowed to bring with you bags, backpacks, knapsacks, boxes, cartons and the like into the church. Only small purses and the like are allowed. Please be guided accordingly,” ang bahagi ng circular letter ni Archbishop Valles.

Ang kaparehong kautusan ay una na ring ipinag-utos ni Davao City Mayor Sarah Duterte para sa mga simbahan at lahat ng lugar dalanginan dulot na rin ng naganap na pagpapasabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ang Davao ay nasasakop sa umiiral na martial law sa buong Mindanao habang ipinag-utos na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘heightened alert’ sa buong bansa.

Linggo (January 27) nang maganap ang pagsabog sa Jolo Cathedral kung saan 27 ang nasawi, habang dalawa naman ang nasawi sa pinakahuling pagsabog sa isang mosque sa Zamboanga City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 73,151 total reads

 73,151 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 121,069 total reads

 121,069 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 168,940 total reads

 168,940 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 272,887 total reads

 272,887 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 355,560 total reads

 355,560 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top