Pangulong Duterte, maaring guilty sa kasong inciting to murder at robbery

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 478 total views

Maipagmamalaki pa ba ang ipinakitang pag-uugali ng Pangulong Rodrigo Duterte?

Ito ang katanungan ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan kaugnay sa mga pagsisinungaling, pagsasalita ng masama at pag-aakusa ng walang katotohanan ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Bishop Bacani, hindi na biro ang nangyayari na makatanggap ng maraming banta sa kaniyang buhay si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David dahil na rin sa magkasunod na pahayag ng Pangulo na pagnakawan at paslangin ang mga Obispo.

Sa pahayag ni Bishop Bacani, maari ngang nagbibiro ang pangulo, ikalawa nagbibiro at nagkaroon na ng epekto sa kaniyang isipan ang mga iniinom na gamot tulad ng fentannyl.

Itinuturing din ng Obispo na “inciting to murder at robbery” kung totoo ang pahayag ng Pangulong Duterte na holdapin at patayin ang mga Obispo.

“Kung seryoso ‘yan ay masama dahil ‘yan ay inciting to murder and to robbery at dapat panagutan niya iyan. Ikalawa, pwede naman na siya’y nasisraan na ng isip. I cannot take that away at sapagkat sya na rin ang nagsabi na nagpe-fentannyl sya ay baka naman naapektuhan na ang kaniyang isip. Kung ganun, hindi na siguro siya dapat na maging presidente. Ikatlo, baka nagbibiro lang. At eto muli sinabi nya, akalain mo naman pagkatapos nya dalawang beses na sabihin nyang patayin ang mga obispo at mga pari e, pagkatapos sasabihin nya na pagpumatay kayo ng pari ako ang makakalaban nyo,” ayon sa pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng programang Pastoral Visit sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na ang ganitong mga pahayag at paratang ay hindi naakma sa isang Pangulo ng bansa lalu na’t maaring maka-impluwensya ito sa kaniyang mga tagasunod at panatiko sa paggawa ng masama.

“Ikaw ang presidente, ang mga tao baka madala mo sa iyong pananalita at hindi mo nalalaman na may ilang panatiko o siraulo nab aka tuparin ang sinasabi ng presidente. At nakikita na natin ngayon ‘yan ang nangyayari kay Bishop David na talaga namang pinutakte ng threats sa kaniyang buhay. Kaya isa lamang sa tatlo.” dagdag pahayag ni Bishop Bacani

Kinumpirma naman ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na nakakatanggap siya ng banta sa kanyang buhay.

Ayon kay Bishop David – Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang unang banta ay natanggap niya dalawang linggo na ang nakalilipas.

Sa loob ng may tatlong taong panunungkulan ng Pangulong Duterte ay makailang beses na nitong tinuligsa ang mga obispo, pari, simbahan at maging ang Panginoon.

Una na ring inamin ng Pangulo na isa siya sa naging biktima ng pang-aabuso ng isang paring katoliko noong kaniyang kabataan.

Pangunahin ding kritiko ng pamahalaan ang simbahan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapaslang na may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa kabila ng mga banta at hindi magagandang salita ng Pangulong Duterte, naninindigan ang mga obispo at lingkod ng simbahan sa pagpuna sa ‘war against drugs policy’ ng administrasyon.

Tiniyak naman Bishop David na hindi magiging hadlang ang mga banta sa kanyang buhay para ipagtuloy ang kaniyang tungkulin bilang pastol ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 131,826 total views

 131,826 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 256,237 total views

 256,237 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 295,412 total views

 295,412 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 367,675 total views

 367,675 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top