Makilakbay kay Hesukristo sa panahon ng Kuwaresma-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Hinimok ng Pinunong Pastol ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mananampalataya na makilakbay kay Hesukristo sa panahon ng Kuwaresma nang may pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, mahalagang sa pakikilakbay ng tao kay Kristo ay ganap itong handa at walang anumang iniisip.

“Today, the first day of Lent, we start preparing to journey with Jesus to Jerusalem where He will show His love for God the Father and for us until the end. It is difficult to travel with heavy bags and baggages,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Aniya, upang maibsan ang mga dalahin ng tao marapat na magbahagi ito sa kapwa sa pamamagitan ng pagkakawanggawa at pagkalinga sa mga nangangailangan sa lipunan bilang pagpapakita ng pakikiisa sa misyon ni Kristong tulungan ang mga dukha sa lipunan.

Ang pagbibigay ng limos sa nangangailangan ay isa sa mga paraang ginagawa ng Simbahan lalo na tuwing Kuwaresma upang matulungan ang mga mahihirap sa lipunan tulad ng pagpapakain.

“Like Jesus, let us travel light. Let us share what we have with the poor through acts of justice and charity called almsgiving. Let us take care of our health, our hungry neighbors and creation by restraining our appetite through fasting,” dagdag ng Cardinal.

Kaugnay dito, pangunahing tinutugunan ng programang Pondo ng Pinoy ng Archdiocese of Manila na itinayo noon ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang Hapag-Asa Feeding Program na nagpapakain sa libu-libong malonourished na kabataan sa buong bansa.

Ang Pondo ng Pinoy ay nangangalap ng mga barya para sa mga programa ng Simbahan at hikayatin ang mga Pilipino na mag-impok hindi para sa sarili kundi para sa pagtulong sa kapwa kahit sa maliit na paraan.

Binigyang diin ni Cardinal Tagle na ang paglingap sa kapwa at pananalangin ay makatutulong na mapagaan ang dalahin ng bawat mananampalataya dahil na rin sa mga pagkakasala.

Susi din ito upang mapalago ang diwa ng pananampalataya at pag-asa sa bawat isa sa tulong ng Mahal na Birheng Maria.

“Let us cast on the Lord our burdens in the spirit of faith and hope through prayer. Almsgiving, fasting and prayer will help us leave behind unnecessary bags and baggages on our Lenten journey with Jesus. Our Mother Mary will accompany us.” ani ni Cardinal Tagle.

Una nang hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na makiisa sa paggunita ng Simbahan sa pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus sa Krus.

Read: Mananampalataya, hinimok ng CBCP na humingi ng kapatawaran sa Panginoon ngayong Kuwaresma

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,664 total reads

 212,664 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 247,337 total reads

 247,337 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 263,237 total reads

 263,237 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,727 total reads

 299,727 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,704 total reads

 305,704 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top