Simbahan, nanawagan ng pagtitipid sa tubig

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,329 total reads

Nanawagan si Diocese of San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa lahat ng mamamayan na magtipid sa paggamit ng tubig.

Ayon sa Obispo, bahagya nang nakararanas ngayon ng pagkatuyo ng patubig na pang-agrikultura at mga balon sa ilang bahagi ng kanyang nasasakupang Diyosesis.

Batid din ng Obispo ang nararanasan ngayon na hirap ng mga Filipino partikular na sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa kawalan ng tubig.

Iginiit ni Bishop Presto na mahalagang maging matipid ang bawat tao at pangalagaan ang kalikasan dahil ito din ang magbibigay ng ating pangangailangan.

“Ako’y nananawagan hindi lang sa mga tagarito sa La Union kun’di sa atin din bilang mga Filipino ang pagtitipid ng tubig lalo na ngayong panahon ng summer ay talagang dapat natin isakatuparan lalo na’t hirap ang source.” Pahayag ni Bishop Presto sa Radyo Veritas.

Umaapela din ang Obispo sa mga mamamayan na kung maaari ay magtanim ng mga puno bilang paraan ng pangangalaga sa kalikasan at sa tubig na mahalaga ngayong dumaranas ng El Niño ang buong Pilipinas.

Ayon kay Bishop Presto, ang pagtatanim ng mga puno ay nakatutulong sa pangangalaga ng tubig lalo na sa bahagi ng mga watershed.

Sinabi ng Obispo na malaking bagay ito sa pagpapanatili ng magandang daloy ng tubig na kinakailangan ng mga tao sa pang-araw-araw na gawain, at sa agrikultura.

“Panawagan din yaong sa mga may malalaking lugar na walang tanim ang puno, magtanim ng puno alagaan natin ang kalikasan sapagkat in return aalagaan din tayo nito kaya nga yung mga protection ng watershed yung pagtatanim natin ng puno yang mga yan, yan naman ay makatutulong upang mapanatili natin ang magandang daloy ng tubig sa ating mga lugar.” panawagan ng Obispo

Sa katapusan ng Marso, 25 lalawigan sa Luzon, 11 sa Visayas at 5 sa Mindanao ang makararanas ng dry spell o dalawang magkasunod na buwan walang ulan.

Sa katapusan naman ng Abril higit kalahati na ng Pilipinas ang makararanas ng Dry Spell at 22 probinsya ang makararanas ng drought o matinding tagtuyot kung saan tatlong magkasunod na buwan walang sapat na ulan.

At sa katapusan ng Mayo 33 probinsya na sa buong Pilipinas ang makararanas ng drought.

Sa Encyclical na Laudato Si ni Pope Francis, nakasaad na bahagi ng karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng malinis na pinagkukunan ng tubig.

Sa kasalukuyan bukod sa mga lalawigan na apektado ng tagtuyot, malaking bahagi din ng Silangang bahagi ng Kamaynilaan ang ilang linggo nang walang tubig dahil sa sinasabing water shortage mula sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Nanawagan din si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na isamang dasalin sa bawat misa ang biyaya ng ulan.

Read: Panalangin para sa ulan, panawagan ng simbahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,319 total reads

 54,319 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,815 total reads

 140,815 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,852 total reads

 183,852 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,611 total reads

 233,611 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,261 total reads

 392,261 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,206 total reads

 23,206 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 52,852 total reads

 52,852 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,696 total reads

 45,696 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top