Papal Nuncio, pangungunahan ang installation ng ika-7 Military Ordinariate.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 894 total reads

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia ang pormal na pagtatalaga o installation ni Bishop Oscar Jaime Florencio bilang ika-7 Military Ordinariate of Philippines sa St.Ignacius de Loyola Cathedral, Camp Aguinaldo,Quezon City ngayong araw ika-3 ng Abril, 2019.

Magiging main preside ng rites at banal na misa si Archbishop Caccia at si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle naman ang magho-homily.

Live na mapapanood at mapapakinggan ang installation ni Bishop Florencio sa www.veritas846.ph.

Sa panayam ng Radio Veritas, inihayag ni Bishop Florencio na mahalaga ang pagkakatalaga sa kaniya ni Pope Francis upang magabayan ang mga Pastol ng Simbahan sa iba’t-ibang Chaplainces sa mga Kampo ng Armed Forces of the Philippines at Philippines National Police.

“This is very significant dahil it can boost the morale of the chaplains na mayroon silang Bishop and Shepherd,” bahagi ng panayam kay Bishop Florencio sa Radio Veritas.
Mahalaga rin ito sa paggunita ng Kuwaresma, ang apatnapung araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.

Sinabi ni Bishop Florencio na malaking gampanin na mangangasiwa sa mga gawain sa buong Kuwaresma at matiyak na ito ay maipatutupad ng nakasusunod sa liturhikal na alituntunin.

Mahalaga sa mga Pari sa buong mundo ang Mahal na Araw partikular ang Chrism Mass kung saan sasariwain ang kanilang sinumpaang katungkulan bilang mga lingkod ng Panginoon.

“It is significant also because during this lenten season dahil dito po ang renewal of vows ng mga chaplain on their commitments and they will have to renew that with their new Bishop,” dagdag pa ni Bishop Florencio.

DIWA NG KUWARESMA

Hinimok din ng Obispo ng Military Diocese ang mga mananampalataya na isapuso ang paggunita ng Kuwaresma upang higit na mauunawaan ang tunay na kahulugan ng pagpapatawad, pagninilay at pagkakawanggawa sa kapwa.

Inihayag ng Obispo na marapat pagnilayan ng tao ang bawat ginagawa lalo na sa mga tagapagpatupad ng batas upang nababatay sa katuruan ng Simbahan at kalooban ng Panginoon ang magiging bunga nito.
“I think it will be good also to consider na ang ating mundo ang ating lipunan ngayon actually needs sometime going deeper into one’s self introspection, so that whatever we do ito ay bunga ng ating pananampalataya,” ani ni Bishop Florencio.

Sinabi pa ng Obispo na ang pagtitiwala, pagkakaisa at pag-uunawaan ng mamamayan ay magdudulot ng panibagong buhay sa pamayanan na makatutulong sa pag-unlad hindi lamang sa Simbahan kundi maging sa lipunang kinabibilangan.

Si Bishop Florencio na itinalagang pinuno ng Military Ordinariate of the Phililippines noong ikalawa ng Marso ay ang ikapitong Obispo ng military diocese na mangangasiwang pastoral sa mga Katolikong naglilingkod sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coastguard, Philippine National Police.

Sa tala ng Catholic Hierarchy ang military diocese ay binubuo ng higit 120 mga Pari na naitalaga sa 65 mga Parokya sa buong bansa.

Bilang Obispo, nakapagtapos ito ng Doctorate in Sacred Theology sa Pontifical University of the Holy Cross sa Roma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 215,475 total reads

 215,475 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 250,148 total reads

 250,148 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 266,048 total reads

 266,048 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 302,538 total reads

 302,538 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 308,343 total reads

 308,343 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 229,763 total reads

 229,763 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 365,720 total reads

 365,720 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top