Panatilihin ang diwa ng kabataan, hamon ni Bishop Ongtioco sa mga Pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 793 total reads

Pinaalalahanan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mga Pari ng Diyosesis ng Malolos na mahalagang panatilihin ang diwa ng kabataan.

Binigyang diin ni Bishop Ongtioco, ang Apostolic Administrator ng Diyosesis na dapat tularan si Hesus na sa kabila ng pagiging bata ay ipinahayag ang Salita ng Diyos sa harap ng mga hamon.

“It is this in the reality of youthfulness which joins all our celebrations today. Jesus who is ever young shares his eternal youthfulness to the Eucharist, the priesthood and the church and we renew our priestly commitment because it is only in the spirit of youthfulness where renewal is ever possible,” bahagi ng homiliya ni Bishop Ongtioco.

Sinabi ng Obispo na bilang kabataan ay masigla nawang maglingkod ang mga Pari sa halos 3 milyong mananampalatayang Katoliko ng Diyosesis upang maging matagumpay ang paggabay bilang mga pastol ng Simbahan.

Ipinaalala pa ni Bishop Ongtioco na ang mga Pari ay tumugon sa tawag ng Panginoon sa panahon ng kabataan kaya’t marapat na panatilihin ito sa paglilingkod sa kawan na itinalaga upang maisabuhay ang mga halimbawa ng Panginoong Hesukristo.

“Sa bawat Eukaristiya tayo ay pumapasok sa misteryo mismo nang walang hanggang kabataan o perpetual youthfulness ng Panginoong Hesukristo. Gaano man tayo tumatanda sa bawat Misa tayo ay nakiisa sa batang nag-aalay ng sarili si Kristo na inalay ang sariling buhay sa ikatutubos ng sanlibutan,” ani ng Obispo.

Ang hamon ni Bishop Ongtioco ay kasabay ng pagdiriwang ng Taon ng mga Kabataan sa Pilipinas bilang paghahanda sa ikalimang daang anibersaryo ng Kristiyanismo sa 2021.

Pinangunahan ni Bishop Ongtioco ang Misa ng Krisma ng Diyosesis kung saan ginanap ang pagsariwa ng pangako ng mga Pari at pagdiriwang ng pagkakatatag ng Eukaristiya.

Sa kasalukuyan ang Diyosesis ng Malolos ay may 177 mga aktibong Pari na nangangasiwa sa 118 mga Parokya habang 22 Pari naman ang retirado subalit patuloy na tumutulong sa mga gawaing pangsimbahan.

Halos isang taon nang sede vacante ang Diyosesis nang pumanaw noong Mayo 2018 si Bishop Jose Oliveros bunsod ng malubhang karamdaman.

Nagpasalamat naman ang Kaparian ng Diyosesis kay Bishop Ongtioco sa pakikiisa sa mahalagang araw ng mga lingkod ng Simbahan at nagsilbing pansamantalang punong pastol na gumagabay sa mga Pastol ng Simbahan sa Malolos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 49,991 total reads

 49,991 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 99,520 total reads

 99,520 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 147,391 total reads

 147,391 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 251,340 total reads

 251,340 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 334,949 total reads

 334,949 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top