Taumbayan, pinag-iingat ng Simbahan sa social media scams

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total reads

Pinaalalahanan ng pinunong pastol ng Arkidiyosesis ng Cebu ang bawat mananampalataya na maging mapanuri sa mga lumalabas sa social media upang makaiwas sa pananamantala ng ilang indibidwal.

Ayon kay Archbishop Jose Palma, ugaliin ang pagtiyak sa bawat impormasyong nakukuha at nababasa lalo na sa social media platform na kadalasang ginagamit ng mga manloloko.

Ang paalala ng Arsobispo ay kaugnay sa paggamit ng pangalan ng Simbahan at maging ng mga Obispo upang makakuha ng salapi sa mamamayan para sa pansariling interes.

“Be extra careful and don’t just be gullible and believe but double check and kung mahimo i-check gyud primero [kung maari i-check muna], tawag mo sa office o sa mga legitimate commissions pero ayaw lang pagdali dali paghatag nga wa ninyo masiguro ang katuyuanan og labi na ang kaadtoan [huwag kayo magmadalu magbigay na hindi ninyo matiyak ang mapupuntahan ng tulong nyo],” panawagan ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Magugunitang unang biktima ang Manila Cathedral kung saan ginawan ito ng Facebook Account na nagbebenta ng mga ‘miraculous medal’ na sinasabing nagmula sa Vatican at binasbasan ng mga Pari at Obispo ng 100 araw.

Si Cubao Bishop Honesto Ongtioco naman ay biktima rin ng fake FB account kung saan humihingi ng pera para sa kanyang triple bypass surgery.

Kapwa itinanggi ng The Manila Cathedral at ni Bishop Ongtioco ang nasabing mga account at binalaan ang publiko sa paglaganap ng fake accounts gamit ang Simbahang Katolika upang makapangalap ng pondo.

Si Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo naman ay biktima ng text scam gamit ang kanyang pangalan sa paghingi ng pondo para sa medication nito at triple heart bypass.

Ikinatuwa ni Archbishop Palma ang pagiging matulungin ng mga Filipino na handang tumulong sa mga nangangailangan subalit nararapat din na suriing mabuti ang mga binibigyan ng tulong.

“Nalipay kita sa kasing kasing nga manggihatagon pero unta atong icheck kay lisod man nga maayo ang inyong intensyon pero mangadto man lang sa dili maayong katuyuanan [Masaya ako na may mga pusong matulungin ngunit dapat i- check muna kasi mahirap na maganda ang inyong intensyon pero napupunta lang sa hindi tama dahil sa mga manloloko],” ani ng Arsobispo.

Muling pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat upang maiwasang mabiktima ng mapanamantalang indibidwal lalo na social media kung saan halos 60 porsyento sa populasyon ng Pilipinas ay aktibo sa internet bawat araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,211 total reads

 8,211 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,799 total reads

 47,799 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,111 total reads

 83,111 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,380 total reads

 309,380 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,254 total reads

 202,254 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top