Sayaw sa Obando, puspusang pinaghahandaan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,279 total reads

Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng pamunuan ng Pandiyosesis na Dambana ng Nuestra Señora Immaculada Concepcion de Salambao o kilala rin bilang Parokya ni San Pascual Baylon para sa taunang Sayaw sa Obando.

Ang Kapistahan ng Tatlong Patron ni San Pascual Baylon, Santa Clara ng Assisi at Mahal na Birhen ng Salambao ay isa sa pinakamatandang kapistahan sa bansa na nakatakda sa ika-17 hanggang ika-19 ng Mayo.

Tema ng kapistahan ngayong taon ang “Tatlong Pintakasi ng Obando: Huwaran ng Kabataang Pilipino” kung saan magsisimula ang nobenario sa tatlong patron sa ika-8 hanggang ika-16 ng Mayo.

Kilala rin ang taunang Sayaw sa Obando dahil sa pambihirang paraan ng mga deboto sa pagpapaabot ng mga panalangin sa Panginoon na ginagawa sa pamamagitan ng pagsasayaw bilang pamimintuho sa pintakasi.

Sa Mayo 17 kay San Pascual Baylon, upang magkaroon ng asawa, anak na lalaki, at bokasyon sa pagpapari o pagmamadre; sa Mayo 18 kay Santa Clara ng Assisi, upang magkaroon ng anak na babae at maginhawang pagbubuntis at panganganak; at sa Mayo 19 sa Mahal na Birhen ng Salambao, sa mabiyayang negosyo at hanap-buhay.

Si San Pascual Baylon ay ang Patron ng mga walang asawa, mga humihingi ng anak na lalaki at ng mga mayroong bokasyon sa pagpapari at pagmamadre.

Si San Pascual Baylon rin ang patron ng Eukaristiya at Eucharistic Congresses.

Samantala, si Santa Clara ng Assisi naman ay siyang Patron ng mga humihiling ng anak na babae at maayos na pagbubuntis at panganganak, siya rin ang patron ng magandang panahon, telebisyon at mass media.

Habang ang Mahal na Birhen ng Salambao naman ay ang Patron ng mga ina, maginhawang hanap-buhay at negosyo partikular na ang may mga kaugnayan sa tubig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 27,565 total reads

 27,565 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 63,856 total reads

 63,856 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 290,126 total reads

 290,126 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 183,593 total reads

 183,593 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 276,183 total reads

 276,183 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top