Obispo sa mga botante, ihalal ang mga kandidatong handang magsakripisyo sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 517 total reads

Muling nagpaalala ang pinunong pastol ng Diyosesis ng Bataan sa mga Filipinong makikilahok sa nalalapit na halalan na maging mapanuri at pagnilayan ang mga taong ihahalal na nararapat mamuno sa bayan.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), mahalagang taglayin ng mga kandidatong iboboto ang mga katangian ni Hesus na handang magsakripisyo para sa nasasakupang mamamayan.

Sinabi ni Bishop Santos na dapat alalahanin ng mahigit sa 60 – milyong botante si Hesus sa pagpili ng mga mamumuno sa bayan sapagkat Siya ang pinakakonkretong halimbawa ng mabuting Pastol na gumagabay sa kawan.

“With our national and local elections remember WWW, that is, Walk with Jesus, Write with Jesus, and Work with Jesus,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Una nang pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mahigit sa 1.8 milyong Overseas Filipino Workers na nakiisa sa absentee voting na piliin ang mga kandidatong tunay na kakatawan ng kanilang sektor sa pamahalaan.

Bukod dito, mahalaga ring matiyak ng mga botante ang kandidatong pipiliin ay may tunay na hangaring maglingkod sa bayan at uunahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa pairalin ang personal na interes.

Sa pagninilay ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa pagtitipon ng Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) noong ika – 4 ng Mayo, ipinaliwanag nito ang tunay na kahulugan ng pulitika na ibig sabihin ay pangangalaga sa isang komunidad at sa mamamayan.

Read: Mga Layko, inanyayahang isabuhay ang pulitika sa paraan ni Hesus

Sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika ng Pilipinas sa Year of the Youth, hinamon nito ang mga kabataan na aktibong makilahok sa pagpili ng mga mamumuno sa bayan dahil sa tala ng Commission on Elections higit sa 20 – milyon ang mga kabataan na boboto sa darating na midterm elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,572 total reads

 21,572 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,321 total reads

 58,321 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,591 total reads

 284,591 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,058 total reads

 178,058 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,927 total reads

 270,927 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top