BFP, kinilala sa kapistahan ni San Floriano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 480 total reads

Kinilala ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr ang mga personalidad ng Bureau of Fire Protection dahil sa sigasig sa tungkuling ginagampanan.

Sa Banal na Misa sa Kapistahan ni San Floriano ang patron ng BFP, pinasalamatan ni Bishop Bacani ang mga bombero sa pagganap ng kanilang tungkuling pagligtas ng buhay at ari-arian.

Nagpapasalamat ako sa inyo, sa inyong gawain na pumapatay ng sunog at nagpapasalamat ako dahil sa inyong pagsunod sa utos ng Panginoon, ang magligtas ng buhay,” pagninilay ni Bishop Bacani.

Hinamon ng Obispo ang BFP na panatilihing nakasusunod sa kautusan ng Panginoon at tatalima sa tungkuling iniatang na magliligtas sa mamamayan laban sa sunog.

Bukod dito pinaalalahanan naman ni Bishop Bacani ang mga sibilyang dumalo na maging maingat sa bawat tahanan upang makaiwas sa sunog na makapipinsala hindi lamang sa mga ari-arian kundi maging sa buhay ng mamamayan.

SAN FLORIANO, PINTAKASI AT GABAY SA MGA BOMBERO

Ayon naman kay BFP Post Chaplain Rev. Fr. Raymond Tapia, CHS tulad ng kanilang pintakasi na si San Floriano ay laging nakahanda ang mga tagapamatay sunog sa pagresponde sa pangangailangan ng mamamayan.

Si San Floriano, huwaran at gabay ng mga bombero sapagkat siya bilang aming pintakasi o patron sa mga tagapamatay sunog kami ay pinaalalahanan na kami ay maging laging handa sa anumang mangyayari lalo na kapag may sakuna,” pahayag ni Fr. Tapia sa Radio Veritas.

Tiniyak ng Pari na nanatiling maalab ang pananampalataya ng mga bombero sa kabila ng maraming gawain na kinakaharap at inihayag na hindi naiiba ang paglilingkod ng mga bombero sa Diyos at sa bayan.

Ang aming tungkulin bilang isang bombero ay hindi nahihiwalay sa aming tungkulin sa pagliliingkod sa Diyos,” dagdag ni Fr. Tapia.

Hiling din ni Fr. Tapia sa mamamayan na patuloy na ipanalangin ang mga kasapi ng BFP para sa kaligtasan sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Ginanap ang ika -11 Kapistahan ni San Floriano sa Holy Family Adoration Chapel sa Bureau of Fire Protection National Headquarters sa Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 7,237 total reads

 7,237 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 94,128 total reads

 94,128 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 131,501 total reads

 131,501 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,762 total reads

 162,762 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 235,223 total reads

 235,223 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top