Walang demolisyon walang relokasyon, tunay na tulong sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 497 total views

Ikinatuwa ni Fr. Pete Montallana, coordinator ng Diocese of Infanta’s Indigenous Peoples’ Apostolate at lead convernor ng SILAI o Sikap-Laya Inc., ang pahayag ng administrasyong Duterte na walang demolisyon kung walang relokasyon.

Ayon sa pari, ito ang kailangan ng mahihirap ngayon, ang tunay na tulong mula sa pamahalaan kaya’t kinakailangan din aniya na maibalik ang restorative justice sa bawat isa lalo na ang Pilipinas ay para sa lahat ng mga Filipino at hindi para sa iilang tao lamang.

“Akoy natutuwa sa deklarasyon ni incoming president Duterte na kung walang demolisyon walang relokasyon yun ang kailangan ng taong-bayan at kung titingnan sa kasaysyan ang kahirapan ay hindi ganito ng tao kundi minana natin sa sistema ng di makatarungan gaya ng pang-aaagaw ng mga lupa, sa Sri Lanka ang lupa ay pag-aari lahat ng gobyerno at ang tao na nangangailangan ng lupa ay binibigyan, ‘yan ang dapat ang lupa ay pantay para sa lahat, ang mayayaman nang-agaw ng titulo at pagkatapos na-eject ang mahihirap, ang panawagan ng Diyos sa atin, ay mahalin ang isat-isa lalo na ang mga dukha, kaya ‘yung restorative justice na maibalik natin sa bawat isa dahil lahat tayo ay nilalang na Filipino para sa Pilipinas at hindi ang Pilipinas para sa iilang tao lamang.” Pahayag ni Fr. Montallana sa panayam ng Radyo Veritas.

Pahayag pa ni Fr. Montalla, dapat ring matigil ang katiwalian sa gobyerno upang mapunta mismo sa taong-bayan ang serbisyong nais nila na sila ang dapat makinabang lalo’t mula sa kanila ang pondo.

Ayon sa pari, ang magandang pundasyon gaya ng tahanan ang sisimulan ng tao para makapagbagong buhay tungo sa kaunlaran.

“Kailangan ng in-site and on-site relocations, para malapit sila sa trabaho nila maraming pera ang gobyerno pero di naman nagagamit sa taong bayan nilalagay lang sa bulsa, kaya itong kanyang sinasabi na malabanana ang katiwalian at unahin ang mahihirap, gaya sa Singapore, inayos talaga ang relokasyon kaya ang mga tao dahil may pundasyon na maganda nagsumikap na, gaya sa Bagong Bario, ibinigay sa tao binayaran nila unti unti, ngayon ang Bagong Bario umunlad na nga ng husto.” Ayon pa kay Fr. Montallana.

Sa ulat ng Metro Manila Development Authority noong 2011, 25 porsiyento ng populasyon ng Metro Manila ay squatters.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 7,441 total views

 7,441 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 181,375 total views

 181,374 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 159,008 total views

 159,008 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 222,913 total views

 222,913 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 242,163 total views

 242,163 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 60,193 total views

 60,193 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 259,978 total views

 259,978 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top