PPCRV Tarlac, handa na para sa halalan sa Lunes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 291 total views

Handa na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Diocese ng Tarlac sa pagdaraos ng halalan sa Lunes.

Ayon kay Fr. Randy Salunga – Director ng Tarlac Social Action Center nakahanda ang mga volunteers para magbantay at tiyakin ang maayos na daloy ng eleksyon sa lalawigan.

Sinabi pa ni Fr. Salunga, bahagi ng mandato na iniatas ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg na muling buhayin ang PPCRV sa diyosesis upang pangunahan ang pagbibigay kaalaman sa mga botante at pagbabantay sa boto ng bawat mamamayan.

“Yun ang mandato na ibinigay ng Obispo sa akin kasi nawala yan for many years so ngayon palang, kaya ngayon bagamat maiksi yung preparation yun ang sinisiguro po namin na we will be there this coming election, we will be present na we will do our task and we hope time will come magiging buo kami isang organisasyon talaga para ng sa ganun ay mayroon isang PPCRV Tarlac na talagang magbabantay sa mga boto natin at tutulong sa pag-educate sa mga voters natin,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Salunga sa panayam sa Radyo Veritas.

YOUTH VOLUNTEERS

Nagagalak din ang diyosesis sa naging pagtugon ng mga kabataan sa sa pangangailangan ng mga volunteers ng PPCRV Tarlac.

Ayon kay Fr. Salunga, malaki ang maiaambag ng mga kabataan upang mas maging aktibo ang pagganap ng PPCRV Tarlac sa pagtiyak ng kaayusan sa nakatakdang halalan.

“Actually karamihan sa mga tumugon na mga pinadala ng mga parishes ay mga kabataan so ang laking masaya nga kasi alam natin ang mga kabataan kapag sila ay kumilos ay very creative tapos nandyan yung enthusiasm, nandun yung energy nila so nakakahawa so we are grateful that majority of our volunteers are youth kaya ito po ay isang malaki, magandang karanasan at the same time malaking biyaya sa ating Simbahan…” Pagbabahagi pa ni Rev. Fr. Randy Salunga.

Tinniyak din ni Fr. Salunga na matapos ang halalan ngayong Mayo ay mas lalo pang patatatagin ng diyosesis ang PPCRV Tarlac upang maging ganap na tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa bansa.

Batay sa tala, halos 83-porsyento sa kabuuang 1.3-milyong kabuuang populasyon ng Diocese of Tarlac ay mga Katoliko na katumbas ng 1.1-milyong mananampalataya na pinangangasiwaan naman ng may 112 mga Pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 92,582 total views

 92,582 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 92,582 total views

 92,582 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 92,582 total views

 92,582 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 89,819 total views

 89,819 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 82,057 total views

 82,057 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top