Ipagdasal ang kaligtasan ng PPCRV volunteers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting para sa kaligtasan ng lahat ng PPCRV volunteers na magbabantay sa halalan.

Tinukoy ni PPCRV Chairperson Myla Villanueva ang sitwasyon ng mga volunteer sa mga lugar na itinuturing na election hotspot na itinataya ang buhay para matiyak ang maayos at matapat na midterm elections.

Inihayag ni Villanueva ang pasasalamat ng pamunuan ng PPCRV sa lahat ng mga volunteers mula sa iba’t-ibang diyosesis sa buong bansa na buong pusong ibinibigay ng walang kapalit ang kanilang oras at panahon.

“Unang-una gusto kong mag-ingat kayo mas lalo na po sa mga hotspots at mga you know mapeligro pero napakahalaga po ng inyong trabaho at nagpapasalamat po kaming lahat sa ating mga volunteers kasi ibang klase talaga ang PPCRV volunteers, ang kanilang panahon ibinibigay nila, freely, libre at lahat puso so ang laki po ng pasasalamat dapat ng bansa at kami po sa PPCRV national thank you…” pahayag ni Villanueva sa panayam sa Radyo Veritas.

Batay sa tala may 300,000 ang mga volunteers ng PPCRV mula sa 86 na diyosesis sa buong bansa na magsisilbing tagapagbantay ng Simbahan sa kaayusan at katapatan ng halalan sa may 86,000 clustered precincts sa buong bansa.

Samantala umaabot naman sa 1,196 na mga lugar ang tinukoy bilang election hotspots ng Commission on Elections (COMELEC) kabilang na ang lahat ng mga lugar sa Mindanao na una ng inilagay sa ilalim ng “red category” o areas of grave concern dahil sa matinding away pulitika na posibleng magresulta sa karahasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,035 total reads

 33,035 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,078 total reads

 69,078 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,348 total reads

 295,348 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,815 total reads

 188,815 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,099 total reads

 281,099 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top