Simbahang Katolika, iginagalang ang pasya ng mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 507 total reads

Iginagalang ng Simbahang Katolika ang pasya ng mamamayan sa pagpili ng mga bagong mambabatas at lingkod bayan sa katatapos na halalan.

Umaasa si Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Itinerant People na tunay na paglilingkod ang isusukli ng mga nahalal na opisyal kapalit ng tiwalang ipinagkaloob ng mga botante.

“Our people have spoken. It is their will, and we have to respect it. It is our prayer and hope that our elected officials will truly work at service of our people, not for certain person or political party and they will not fail us nor fail us again,” mensahe ni Bishop Santos.

Sa inisyal na resulta ng bilangan ng boto sa pangunguna ng Commission on Elections, lahat ng mga kandidatong pumuno sa 12 puwesto sa Senado ay pawang kakampi ng kasalukuyang administrasyon.

Hiniling din ni Bishop Santos sa mamamayan na patuloy ipanalangin ang mga lingkod bayan na magampanan ang susumpuang tungkulin para sa kapakanan ng mga Filipino.

“We must admit that our people still place their trust and future to the present Administration. Given a fresh mandate let us pray they will live up to our expectations, and we will not be sorry for whom we have elected them,” ani ni Bishop Santos.

Kaugnay nito, nangangamba ang ilan lalo na ang mga kritiko ng administrasyon na hindi na malaya ang pagpapasya ng Senado dahil sa impluwensya ng Punong Ehekutibo partikular sa usapin ng Death Penalty, Federalismo, giyera kontra droga at iba pang usaping panlipunan na may kinalaman sa karapatan ng mamamayan.

Nanawagan si Bishop Santos sa mga Filipino na magkaisang isulong ang mga pagbabago sa bansa sa kapakinabangan ng bawat Filipino.

“We at CBCP-ECMI, appeal that we all work together for peace and prosperity of our country; for better and to improve the lives of our people, let us as one, work together for new and better Philippines,” saad pa ni Bishop Santos.

Tiniyak naman ng Simbahang Katolika ang patuloy na pakikipag-isa sa pamahalaan para itaguyod ang kapakanan at karapatan ng mamamayan gayundin ang pagsusulong ng mga programang magpapaunlad sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 4,105 total reads

 4,105 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 43,695 total reads

 43,695 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 79,185 total reads

 79,185 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 305,455 total reads

 305,455 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 198,658 total reads

 198,658 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top