Malaking ambag ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya,dapat suklian ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,441 total reads

Ikinatuwa ng Catholic Bishops Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang paglago ng personal remittances mula sa mga overseas Filipino workers ng 2.4 billion dollars noong Abril 2016.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng komisyon, umabot rin aniya sa 8.7 milyon ang mga remittances na dumaraan sa bangko na naipapadala ng mga OFWs na nakatutulong hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa ekonomiya ng bansa.

“Napakagandang balita na kung saan tumaas ng 8.7 billion dollars ang remittance. Yan ang dumadaan sa mga remittances sa mga bangko. Subalit, tandaan rin natin na mas malaki pa rin ang padala yung mga uuwi na may pabaon, may binibigay. Malaking tulong ito sa ekonomiya, malaking tulong ito sa bansang Pilipinas,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.

Gayunpaman, sinabi ni Bishop Santos na kinakailangan ring suklian ng pamahalaan ang pagsusumikap ng mga OFW sa tamang paggamit ng pondo ng bayan na hindi lamang naibubulsa sa korapsyon at katiwalian.

“Dapat ring pahalagahan ng ating gobyerno na ang perang ito ay dapat gamitin sa ekonomiya, sa edukasyon, sa pamilya, sa mga imprastraktura at bantayan natin na ito ay hindi mauwi sa korapsyon at katiwalian,” paghihimok ni Bishop Santos sa pamahalaan.

Base naman sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas, posibleng umabot sa 26 billion dollars ang kabuuang remittances ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat hanggang sa pagtatapos ng taong 2016. Kumpara ito sa 25.7 billion dollars na ipinadala ng mga ofw noong isang taon.

Mahigit pitumpu’t limang porsyento ng cash remittances ay mula sa Amerika, Saudi Arabia, UAE, Singapore, UK, Japan, Qatar, Hong Kong, Kuwait at Germany.

Nauna na ring pinapurihan ng kanuyang Kabanalan Francisco ang kasipagan ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.(Romeo Ojero)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 22,568 total reads

 22,568 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 109,288 total reads

 109,288 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 156,027 total reads

 156,027 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 203,899 total reads

 203,899 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 306,742 total reads

 306,742 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 312,124 total reads

 312,124 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 418,513 total reads

 418,513 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top