Bantayan ang kalagayan ng lipunan sa bagong liderato ng mga mambabatas-SLP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 551 total reads

Umapela ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa mamamayan na maging mapagbantay sa kalagayan at kapakanan ng bayan.

Ayon kay Dra. Marita Wasan–Pangulo ng Sangguniang Layko ng Pilipinas (SLP) dapat na maging bukas ang kamalayan ng mga Filipino sa paraan ng pamamahala ng mga bagong halal na opisyal ng bayan upang maisulong ang kabutihan ng bansa at mapigilan ang pananamantala tulad na lamang ng pagsasantabi sa soberenya ng Pilipinas.

Giit ni Wasan, nakasalalay sa mga bagong halal na opisyal ang kinabukasan ng mamamayan lalo na ang mga mahihirap na pinanghahawakan ang pangakong pagbabago at pag-unlad ng mga pulitiko.

“Tayo bilang layko ay dapat talaga na nakikinig, bukas ang mata, gising, huwag matulog, tingnan kung ano talaga ang makakabuti para sa bayan, bayan natin ito, sinasamantala na tayo, ‘yung ating soberenya, pinagsasamantalahan na yung mga mamamayan natin na nahihirapan although tingnan nating mabuti kasi nakataya dito yung kinabukasan ng mga mahihirap nating mga kababayan na siyang bumoto sa mga nahalal hindi ba so very ironic,” ang bahagi ng pahayag ni Wasan sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag pa ni Wasan, walang ibang magmamahal at higit na magpapahalaga sa ating bayan kundi ang mamamayang Filipino.

Bilang mga Filipino ayon pa kay Wasan, hindi lamang dapat na isulong ng mga Katoliko ang mga usapin tungkol sa buhay tulad ng laban sa Reproductive Health Law at iba pang mga pro-life issues sa halip ay dapat na suriin ang pangkabuuang kalagayan at iba pang mga suliraning panlipunan sa bansa.

“Tingnan natin yung ating pagiging makabayan, pagtatanggol sa ating bansa, walang ibang magmamahal sa bayan natin kundi tayo,” ayon pa kay Wasan.

Umaasa ang Sangguniang Layko ng Pilipinas na maging mabuting mga lider at pinuno ng bayan ang may higit sa 18-libong mga bagong halal na opisyal ng bayan na iniluklok ng sambayanan sa katatapos lamang na midterm-elections.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,797 total reads

 15,797 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,898 total reads

 52,898 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,168 total reads

 279,168 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,635 total reads

 172,635 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,874 total reads

 265,874 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top