OFWs, pinaalalahanan ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 563 total reads

Pinaalalahanan ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang mga Overseas Filipino Workers na iwasan ang pagdadala ng mga canned goods mula sa ibang bansa.

Ito ang tugon ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa ipinag-uutos ng pamahalaan na pagbabawal sa produktong MaLing upang makaiwas sa kumakalat na African Swine Fever o uri ng virus na nakamamatay sa alagang baboy sa ilang bansa sa Asya.

“For safety and health reasons we inform our chaplains to persuade our OFWs not to send nor bring home any meat canned goods,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Hinimok pa ni Bishop Santos ang mga OFW na magpadala lamang ng mga bagay na higit kinakailangan tulad ng mga gamit sa eskwela at mga damit sa halip na mga mamahaling gamit para sa luho at ugaliin ang pag-iimpok para sa kinabukasan.

“We also encourage them [OFW] to save as to send through balikbayan boxes only necessary and needed items,” dagdag pa ng Obispo.

Hinimok ni Bishop Santos ang mga OFW na upang makatipid sa pamimili ng mga pasalubong gawing pagkakataon ang sale season upang mapakinabangan ang mga diskwento sa mga produkto at magpadala lamang tuwing mahahalagang okasyon tulad ng Pasko, Graduation at tuwing magbubukas ang klase.

Magugunitang ipinag-utos ng Food and Drug Administration ang pagbabawal sa mga meat products mula ibang bansa na may manufactured date na August 18, 2018 dahil sa paglaganap ng ASF virus.

Batay sa taya, aabot sa halos 200 bilyong piso ang mawawala sa industriya ng pag-aalaga ng baboy kung tuluyang makapasok sa Pilipinas ang ASF Virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,986 total reads

 118,986 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,502 total reads

 256,502 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 372,278 total reads

 372,278 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,972 total reads

 487,972 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top