Sambayanang Filipino, hinimok na manindigan laban sa anti-poor at anti-family bills

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Kinakailangang maipakita ng sambayanang Filipino ang pagtutol sa mga panukalang hindi tunay na makatutugon sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan.

Ito ang panawagan ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Convenor ng Kontra Daya at Movement Against Tyranny (MAT) kaugnay sa pagkakahalal ng mga kaalyado ng kasalukuyang administrasyong Duterte sa katatapos lamang na midterm elections.

Ipinaliwanag ng Madre na dahil sa pagkakapanalo ng mga kaalyado ng administrasyon ay maituturing na kontrolado ng pamahalaan ang Senado na malaki ang papel na ginagampanan sa pagbabalangkas ng mga bagong batas.

Kabilang sa mga tinukoy ng madre na mga panukalang dapat bantayan ng mamamayan upang hindi maisabatas ang pagbabalik ng death penalty, cha-cha, federalism, anti-family bills.

Binigyang diin ni Sr. Mananzan na mahalagang maging mapagmatyag ang lahat sa mga nagaganap sa lipunan lalo na sa paraan ng pamumuno ng mga bagong halala na opisyal.

“Dapat magmatyag tayo kasi I am very sure ipapalunok nila sa atin yung mga ayaw natin like yung death penalty they will try to do that, they will try to make Cha-Cha para mabigyan ng ownership ang foreign companies for our land and media etc., ipapasok nila yung federalism hindi naman alam ng tao kung ano yun. Ngayon kontrolado na nila ang Senado, nakakatakot yan kasi puwede nilang gawin ang gusto nila kung hindi natin ipapakita as mamamayan na tutol tayo dito…” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna nang nagpahayag ng panalangin ang Sanggunuang Layko ng Pilipinas na maging mabuting mga lider at pinuno ng bayan ang may higit sa 18-libong mga bagong halal na opisyal na iniluklok ng sambayanan sa katatapos lamang na midterm elections.

Samantala patuloy rin ang panawagan ng Simbahang Katolika sa mahigit 104 milyong mga Filipino na pagsumikapang mamuhay sa katotohanan at gamiting gabay ang salita ng Diyos sa pagsusulong ng makabubuti para sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,073 total reads

 23,073 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,656 total reads

 59,656 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,926 total reads

 285,926 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,393 total reads

 179,393 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,201 total reads

 272,201 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top