Automated election law, napapanahon ng amyendahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Suportado ng Simbahang Katolika ang patuloy na pagsusulong ng election reforms sa bansa.

Nasasaad sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika na hindi nararapat balewalain ang kasagraduhan ng halalan bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

Kaugnay nito, kinatigan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Commission on Elections na isantabi na ang partisipasyon ng Smartmatic sa pagsasagawa ng eleksyon sa bansa.

Sa opisyal na pahayag ng NAMFREL, binigyang diin election watchdog na ang panawagan ni Pangulong Duterte ay isang pagkakataon upang tumuklas ng iba pang mga teknolohiya na maaring magamit sa halalan.

Inihayag ng NAMFREL na napapanahon ang pagsusuri at pag-amyenda sa Republic Act. No. 9396 o Automated Election Law na nagtatakdang gamitin ang sistema at teknolohiya ng eleksyon na napatunayan na ang kapasidad at matagumpay ng nagamit sa mga nakalipas na halalan sa Pilipinas maging sa ibayong dagat.

Ipinaliwanag ng NAMFREL ang naturang probisyon ay humahadlang sa mga local systems developers na subukan ang mga sistemang nilikha ng mga Filipino na maaring makatugon sa maayos at mas naaangkop na automated election system sa bansa.

“The President’s pronouncement opens up the opportunity to look for other election technologies. It should be noted, however, that Republic Act No. 9369 (RA9369) or the Automated Election Law prescribes that the automated election system “x x x must have demonstrated capability and been successfully used in a prior electoral exercise here or abroad.” This provision effectively prevents local systems developers from participating in the development and supply of an automated election system. RA9369 needs to be revisited and amended to open up opportunities for local technology providers to supply locally developed election solutions that protects the secrecy of the ballot and ensures transparency of the vote count.” Pahayag ng NAMFREL

Matatandaang mula ng magsimula ang automated elections sa bansa noong 2010 ay naninindigan ang NAMFREL na dapat na mas dapat na pangasiwaan ng mga Filipino ang proseso ng halalan sa bansa sa halip na hayaan sa kamay ng mga dayuhang kumpanya tulad ng Smartmatic.

May 10, 2010 ng unang isinagawa ang full automated elections sa Pilipinas.

Batay sa Republic Act No. 7166, mandato ng Commission on Election ang pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,098 total reads

 26,098 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,501 total reads

 62,501 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,771 total reads

 288,771 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,238 total reads

 182,238 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,890 total reads

 274,890 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top