PNP personnel, kalahok sa OPNE men’s conference

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 487 total views

Tulungan ang mga kabataang lalaki na kilalaning mabuti ang kanilang sarili.

Ito ang layunin ng inilunsad na Men’s Conference ng Office of the Promotion of the New Evangelization o OPNE sa Mary Mother of Hope Chapel sa Landmark Makati.

Tema ng pagtitipin ang Believing, Living, Thriving” Accompanying Young Men in Virtue.

Ayon kay Father Jason Laguerta – Director ng OPNE, nais nitong matulungan ang mga kabataan lalo na ang mga kalalakihan na maunawaan ang kanilang pagiging lalaki at ang papel na kanilang dapat gampanan sa pamilya.

Bukod dito, nais din ng pari na makatulong sa mga kabataang lalaki upang maisabuhay ng mga ito ang maka-kristiyanong pamumuhay at maging mabuting halimbawa sa kanilang kapwa.

“Gusto nating mabigyan ng pansin yung kahalagahan ng mga kabataang lalaki para turuan sila sa pag-unawa ng kanilang pagiging lalaki at gayundin naman ang kanilang magiging papel sa kanilang mga pamilya bilang tatay sa kanilang magiging pamilya [sa hinaharap] o kaya naman bilang kuya sa pamilya. So gusto nating malaman o maunawaan kung paano ba talaga ang pag-unawa natin sa isang kristiyanong lalaki o mga kristiyanong kalalakihan.” pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Umaasa si Father Laguerta na sa tulong ng isinasagawang kumperensya ay mapagnilayan ng mga lalaki ang kanilang bokasyon sa buhay.

Nilinaw nito na hindi lamang sa pagpapari ang bokasyon kungdi maging sa pagpapamilya.

“Ang calling talaga natin ay nakapaloob din sa kung sino talaga tayo bilang lalaki o bilang babae at doon mag-uugat yung pagkilos pagpapahalaga tapos yung mga prayoridad mo sa buhay, pamamaraan mo ng pakikitungo sa kapwa… yun ang isang layunin ng kumperensya na linawin kung ano ang pakahulugan natin sa mga papel o orientasyon o kaya ng pagtingin sa pananaw sa sarili.” Dagdag pa ni Father Laguerta.

Ang Men’s Conference ay dinaluhan ng humigit kumulang 160 mga kalalakihan na mula sa iba’t-ibang mga Sufragan Dioceses ng Archdiocese of Manila.

Ikinagalak din ng OPNE na mayroong mga kinatawan ang Philippine National Police na lumahok sa pagtitipon.

Tiwala si Father Laguerta na sa susunod pang dalawang araw ng kumperensya ay mas marami pang mga lalaking kabataan ang mahihikayat na dumalo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 226,254 total views

 226,254 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 256,477 total views

 256,477 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 283,121 total views

 283,121 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 378,094 total views

 378,094 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 384,508 total views

 384,508 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,113 total views

 347,113 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top