Hamon ni Cardinal Tagle, iwaksi ang ‘Individualistic mentality’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 435 total reads

Iwaksi ang pagiging makasarili.

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mananampalataya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Santisima Trinidad sa Most Holy Trinity Parish sa Sampaloc Maynila.

Nawa ayon kay Cardinal Tagle, matularan ng mga mananampalataya ang Santisima Trinidad dahil ito ay larawan ng magkakaugnay na relasyon ng tatlong persona ng nag-iisang Diyos.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, tulad ng pagkakaugnay ng tatlong persona ng Panginoon, ang bawat tao ay nararapat na magkaroon din ng personal na pakikipag-ugnayan sa kan’yang kapwa at hindi mamayani ang pagkakanya-kanya.

Iginiit nito na hindi matutuklasan ng isang indibidwal ang tunay niyang katauhan sa buhay nang walang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

“Ang persona laging may kaugnay at sa ugnayan doon nya nakikita natuuklasan kung sino siya.” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Hinamon din ni Cardinal Tagle ang kabataan ngayong Year of the Youth na iugnay ang kanilang sarili sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at pagmamalasakit.

Sinabi nito na habang bata pa lamang ay kinakailangang sanayin ang sarili na labanan ang indibidwalismo.

Giit pa ng Cardinal, magagawa ito sa pamamagitan ng pagkilala sa ugnayan ng bawat tao, pag-unawa sa ugnayan ng tao at ng kalikasan, pagtanggap sa tungkulin ng bawat tao na tulungan ang kan’yang kapwa, at pag-iwas sa pang-mamaliit o pang-aalipusta.

“Mga kabataan you are persons you are not just individuals learn how to relate with one another, at ipakita n’yo yan sa inyong malasakit.Iitigal na sana ng mga kabataan ang bullying, minamaliit ang kanyang kapwa. We are persons may kagandahan lahat tayo, meron ding kapintasan. Magkakaugnay tayong lahat kaya itigil ang paninirang yan. Kapag meron kayong nakitang inaapi, kayo ang unang dadamay. Kapag meron kayong nakitang inaalipustang kabataan isipin niyo kayo rin ang anak na isinusigo ng Diyos Ama taglay ang Espiritu ng paglingap at pag damay,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Kasabay ng pagdiriwang ng Holy Trinity ipinagdiwang din ng simbahan ang Basic Ecclesial Community (BEC) Sunday, umaasa si Cardinal Tagle na ang mga kabataan ay makatutulong din sa pagbuo ng maliliit na mga komunidad.

Naniniwala ito na kung ang saligan ng lahat ng uri ng komunidad ma pa simbahan man ito, sa pamilya, trabaho o sa paaralan, ay ang Santisima Trinidad, tunay na maiwawaksi ng lipunan ang “individualism”.

“Nakiusap po ako sa ating lahat na iwaksi na ang ganitong individualism na dahilan ng pagkasira ng tao ng bayan at ng kalikasan. Only genuine personhood that recognizes the other as part of me and I as part of the other, can the world and society be created and recreated dahil ganyan ang kilos ng Banal na Santisima Trinidad,” Pahayag ni Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 22,034 total reads

 22,034 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 107,582 total reads

 107,582 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 144,955 total reads

 144,955 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 176,214 total reads

 176,214 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 248,082 total reads

 248,082 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 377,235 total reads

 377,235 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top