CBCP-ECMI, nakikiisa sa 4-taong anibersaryo ng Laudato Si

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total reads

Nagpaabot ng pagbati at pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-apat na taong anibersaryo ng Encyclical na Laudato Si si Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People.

Ayon sa Obispo, ipinapaalala ng pagdiriwang na ang daigdig ay biyaya ng Panginoon sa sanlibutan upang maging tahanan ng bawat nilalang.

Sinabi ng Obispo na sa pamamagitan ng mundo at ng mga biyayang nakukuha dito ay naipadarama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa bawat tao.

Dahil dito, sinabi ni Bishop Santos na mahalagang mapangalagaan at hindi maabuso ang daigdig at ang lahat ng buhay na naririto dahil sa tao iniatas ng Panginoon ang pinakadakilang tungkulin na pangalagaan at pagyabungin ang san nilikha.

“A gift of God to us. God created the whole world as our home. It is His love for us. As His gift we should take good care of it, not misuse it nor abused it. As our home and as our only earthly home we have to sustain and protect, never ruin it. As God’s love us, we are accountable to God for it. So we are called to be faithful and responsible caretaker of God’s creation.” mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Hinimok naman ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na bigyan ng mataas na paggalang ang kalikasan at ipagtanggol mula sa mga mamumuhunang pinagkakakitaan ang kalikasan.

Ayon sa Obispo, tinatawag din na inang kalikasan ang daigdig dahil ito ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng mga tao.

Gayunman, hindi ito dapat angkinin ng iilang maykapangyarihan dahil ang daigdig ay nilikha para sa lahat at nakasalalay din dito ang magiging kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“We call earth as mother. Mother gives life, maintains and promotes life. Mother Earth has everything to make our lives full and fruitful. And to a mother as loving sons and daughters we give our respect and obedience. So let us respect and obeys the laws of nature. Earth is not for profit, nor private ownership. Earth is not battleground. Earth is not garbage bins. It is a gift from God, our home and our legacy for future generation.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Ika-18 ng Hunyo ginunita ang ika-apat na taon ng pagsasapubliko ng encyclical na Laudato Si.

Ito ang ikalawang encyclical na nilathala ni Pope Francis kasunod ng Lumen Fidei. Subalit, itinuturing ito na kauna-unahang encyclical na patungkol sa tamang pangangalaga sa Kalikasan.

Kasunod nito, naghahanda ang mga mananampalataya para sa paglulunsad ng grupo ng mga kabataang nagsasabuhay ng mga turo sa encyclical.

Sa ika-22 ng Hunyo, ilulunsad ang Laudato Si-Gen Pilipinas, sa Quezon Memorial Circle, sa ilalim ng temang “Filipino Youth, Standing for the Future of Our Common Home.”

Sisimulan ang pagtitipon sa pamamagitan ng banal na misang pangungunahan ni Caceres Abp. Rolando Tria Tirona – Chairman ng CBCP NASSA/Caritas Philippines.

Susundan pa ito ng mga programang magpapalalim sa pag-unawa ng mga kabataan sa mga suliraning kinakaharap ng kalikasan.

Ang pagtitipon ay pinangungunahan ng Global Catholic Climate Movement – Pilipinas kasama ang iba’t-ibang mga Catholic Schools, Non-Government Organizations, mga makakalikasang grupo at ang Radyo Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 87,092 total reads

 87,092 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 145,252 total reads

 145,252 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 281,762 total reads

 281,762 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 397,119 total reads

 397,119 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 47,661 total reads

 47,661 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 77,194 total reads

 77,194 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 70,037 total reads

 70,037 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top