Archdiocese ng San Fernando Pampanga, tiniyak ang pakikipagtulungan sa pulisya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 517 total reads

Tiniyak ng pamunuan ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga ang pakikipagtulungan sa mga otoridad kaugnay sa isinampang kaso ng panggagahasa sa isang 17-taong gulang na babae laban sa Pari ng Arkidiyosesis.

Ayon kay San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, nirerespeto ng Simbahan ang legal na proseso ng batas kaya’t makikipagtulungan ang Arkidiyosesis sa anumang mga kakailanganin upang umusad ang imbestigasyon at magkaroon ng linaw sa nasabing kaso.

Nilinaw ng Arsobispo na sa kasalukuyan ay wala pa silang natatanggap na impormasyon sa kinaroroonan ni Fr. Daniel Alvarado Baul, dating Apostolate director ng Bahay Pag ibig, Munting Tahanan ng Nazareth, Indu ning Mayap a Usuk Holy Angel Village.

“They continued yung looking for him to start their hearing kaya lang hindi ma-start start because they cannot serve yung warrant because he is nowhere to be found, ako kahit ako hindi ko alam kahit na nung nagpunta yung mga magsi-serve dito na military so I told them once na meron akong nalaman I will tell him to face the case. And then yun patuloy pa rin yung pag-ano sa kanya na kung pwede kung nasaan man siya kasi actually hindi ko alam talaga kung nasaan siya,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Lavarias sa panayam sa Radyo Veritas.

Sa inilabas na pahayag sinabi ni Archbishop Lavarias na sa kanilang huling pag-uusap ni Fr. Baul ay tiniyak nitong haharap ito sa korte upang mapatunayan ang kanyang pagiging inosente.

“During the filing of the complaint before the Prosecutor’s Office and at the inception of the Ecclesiastical Investigation, Fr. Daniel A. Baul assured me that he will squarely face the matter before the proper fora. Unforetunately, at this stage of the case, his whereabouts is not known to me. I trust his word previously given to me that he will not evade the case, and will, in due time, appear in court to support his claim of innocence,” bahagi ng ikalawang opisyal na pahayag na inilabas ng Archdiocese ng San Fernando.

Nauna ng inihayag ng Arsobispo ang agad na pag-aalis kay Fr. Baul sa kanyang dating posisyon noong nakaraang buwan ng Marso 2019 habang isinailalim ito sa Ecclesiastical investigation habang tiniyak rin ni Archbishop Lavarias na nasa mabuting pangangalaga ng Archdiocese of San Fernando ang babaeng nagsampa ng reklamo laban sa Pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 27,058 total reads

 27,058 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 65,292 total reads

 65,292 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 100,592 total reads

 100,592 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 326,861 total reads

 326,861 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 218,568 total reads

 218,568 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top