Pagiging simple ni Duterte, umani ng papuri sa mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 431 total reads

Umani ng papuri sa mga Obispo ng Simbahang Katolika ang simpleng inauguration ni President-elect Rodrigo Duterte na gagawin sa Rizal ceremonial hall sa Malakanyang.

Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, napakagandang mensahe ang ipinaparating nito sa mamamayang Filipino na napakahalaga ang pagiging simple sa ating pang-araw araw na buhay.

Inihayag ng Obispo na ang pagiging simple sa lahat ng bagay ang napaka-gandang pag-uugali na dapat isabuhay ng mga Pilipino.

Sinabi ni Bishop Ongtioco na isang magandang kultura sa mga Filipino na matutong mamuhay ng simple upang matugunan ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas na mas marami ang mahihirap kumpara sa mayayaman.

“I am happy about the simple inauguration. We need to be simple even in our way of life. Simplicity, an important value that we have to promote.”pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Itinuturing naman ni Boac Bishop Antonio Maralit na magandang halimbawa ang pagiging simple ng bagong presidente ng bansa sa sambayanang Filipino.

Ayon kay Bishop Maralit, magandang simulain ito at konkretong mensahe para sa isang tunay na pagbabago sa bansa.
Umaapela naman si Bishop Maralit sa mamamayang Filipino na ipanalangin si Duterte at mga makakasama niyang mamahala sa bansa na tunay nilang magawa ang kanilang tungkulin para sa isang tunay na pagbabago sa bansa.

Inihayag naman ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, Palawan Bishop Pedro Arigo na isang tumpak na halimbawa ang pagiging simple ni Duterte para sa mga naghihirap na Filipino.

Iginiit ni Bishop Arigo na nararapat lamang umiwas sa magarbong paggastos ang pamahalaan upang maging makatarungan sa mga milyun-milyong nagugutom na Pilipino.

Umaasa naman ang Obispo na mababawasan kung hindi man tuluyang maalis at maparusahan ang mga corrupt na opisyal sa bansa.

Nabatid sa mga pag-aaral na 40-mayayamang pamilyang Pilipino na kasali sa 2012 Forbes list of billionaires ang nagmamay-ari ng 76-porsyento ng Gross Domestic Product ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 64,086 total reads

 64,086 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 102,034 total reads

 102,034 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 136,162 total reads

 136,162 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 192,568 total reads

 192,568 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 98,459 total reads

 98,459 total reads Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 76,039 total reads

 76,039 total reads Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 114,524 total reads

 114,524 total reads Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top