Pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic, panawagan ni Bishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 848 total reads

Nananawagan si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mga mananampalataya ng lalawigan at mga pari na iwasan ang paggamit ng single-use plastic.

Sa pahayag ni Bishop Uy mahalagang magkaisa ang mamamayan sa pangangalaga sa kalikasan tulad ng pag-iwas sa paggamit ng mga plastic lalu na sa mga pagtitipon ng simbahan.

“To all priests and parishioners, as much as possible, please avoid the use of styros and plastics in any of our gatherings and activities,” panawagan ni Bishop Uy.

Si Bishop Uy ay masigasig sa kampanya laban sa plastic bilang pakikiisa sa panawagan ng Santo Papa Francisco sa ensiklikal na Laudato Si -na pangalagaan ang kapaligiran na natatanging tahanan ng sangnilikha.

Sa pag-aaral ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA), halos 60 bilyong sachet ng plastic ang nalilikha sa Pilipinas bawat taon.

Kabilang dito ang 48 milyong shopping bags ang ginagamit ng mga Filipino araw-araw bukod pa rito ang 17 bilyong iba’t ibang uri ng produkto na gawa sa plastic.

Naniniwala ang simbahang katolika na kung magkakaisa ang mamamayan sa pagtataguyod ng maayos na kapaligiran ay makamtan ang malinis at ligtas na kalusugan ng lipunan na malayo sa polusyon at nakalalasong kemikal dulot ng plastic.

Ang pag-aaral ay batay sa 21 waste assessment na isinagawa ng grupo sa anim na lungsod at pitong bayan sa Pilipinas.

Ika–14 ng Mayo, pinangunahan nina Bishop Uy at Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon ang pagtatanggal ng mga tarpaulin at iba pang campaign materials ng mga pulitiko matapos ang halalan bilang pagpapakita ng pagmamalasakit para sa kalikasan at maiwasang mapunta sa karagatan ang mga plastic waste na nalikha mula sa campaign materials.

Kaisa rin si Bishop Uy sa panawagan ng Plastic Free Bohol Movement sa isasagawang Plastic Free July Beach Cleanup na isasagawa sa karagatan ng Panglao Bohol sa ika-13 ng Hulyo sa Barangay Poblacion; ika – 20 ng Hulyo sa Danao Beach at ika-27 ng Hulyo sa Doljo Beach.

Ito ay isasagawa simula alas-7:30 ng umaga sa pakikipagtulungan ng Korean University Council for Social Services.

Hinimok ng grupo ang mga lalahok sa cleanup drive na magdala ng sako na paglalagyan ng mga basura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 131,108 total reads

 131,108 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 267,823 total reads

 267,823 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 383,598 total reads

 383,598 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 498,641 total reads

 498,641 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top