Ilang simbahan sa Diocese of Tandag, nasira ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 718 total views

Iniulat ng Social Action Center ng Diyosesis ng Tandag na ilan sa mga simbahan at kabahayan sa Surigao del Sur ang nasira sa naganap na lindol noong Sabado.

Ayon kay Rev. Fr. Frank Olvis, ang Social Action Director ng Diyosesis, malakas ang pagyanig ng 5.5 magnitude na lindol dahilan upang masira ang mga Simbahan at ilang gusali sa lugar.

Pagbabahagi ng Pari ilan sa mga simbahang nasira ang parokya ng Immaculate Concepcion sa bayan ng Cantilan, Sts. Peter and Paul Parish sa barangay Parang, Cantilan, St. Vincent Ferrer Parish sa bayan ng Carmen.

Dahil dito humiling ng panalangin si Fr. Olvis sa mananampalataya na hindi na muling maranasan ang malakas na pagyanig upang wala nang sakunang maganap.

“Hiling ko ang panalangin ng lahat na sana wala nang ganyang calamity [lindol],” pahayag ni Fr. Olvis sa Radio Veritas.

Sa pahayag naman ni Surigao Del Sur Governor Alexander Pimentel, umabot sa 63 katao ang nasugatan mula sa mga bayan ng Lanuza, Carmen, Madrid, Cantilan, Carrascal, Compostela at Tandag City dahil sa pagbagsak ng ilang bahagi ng bahay.

Alas 4:42 ng umaga ng maganap ang pagyanig na naramdaman din maging sa karatig lalawigan tulad ng Cagayan De Oro City, Borongan at Cebu City.

Sa inisyal na ulat ng lokal na pamahalaan umabot sa 7 milyong piso ang halaga ng nasirang imprastraktura sa Carrascal kabilang na ang mga bahay, simbahan, gusali ng pamahalaan, pamilihan at pagamutan.

Umaapela naman ang Pari sa mga mamamayan na nais magpaabot ng tulong na makipag-ugnayan lamang sa Diyosesis ng Tandag o sa mga nararapat na ahensya ng pamahalaan.

“Kung makatulong, mas makabubuti para sa pagsasaayos ng mga Simbahan at ilang mga bahay,” ani ni Fr. Olvis.

Namahagi naman ang lokal na pamahalaan ng Surigao del Sur ng dalawang libong pisong tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol partikular sa Cantilan, Madrid, Lanuza at bayan ng Cortes kung saan naitala ang sentro ng pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 220,440 total views

 220,440 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 250,663 total views

 250,663 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 277,307 total views

 277,307 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 372,280 total views

 372,280 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 379,028 total views

 379,028 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top