Itigil na ang pananakot sa mga Filipino, hamon ng Obispo kay pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 600 total reads

Hinamon ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias ang mamamayan na manindigan para sa kapakanan ng Pilipinas na pinamumunuan ng mga makapangyarihan na walang malasakit sa pangkalahatang kabutihan.

Sa pagninilay ng Obispo sa ginanap na Misa ng Katotohanan sa St. Peter Shrine Parish sa Commonwealth Avenue, binigyang diin nito ang mga kaganapan sa Pilipinas na laban sa mga Filipino.

“Tumindig kayo [mga Filipino] para ipagtanggol ang karapatan ng bayan,” pagninilay ni Bishop Tobias.

Sinabi ng Obispo na sa paglipas ng mga taon ay nanatiling talo ang bayang Pilipinas mula sa pamamayagpag ng mga namumuno na umaabuso sa kapangyarihan.

Tinukoy ni Bishop Tobias ang nakalipas na halalan noong Mayo na malaki ang pagkatalo ng sambayanang Filipino sapagkat nahalal ang mga kaalyado ng administrasyon habang natalo ang taga – oposisyon.

Bukod dito ay binigyang pansin din ng Obispo ang giyera kontra droga ng pamahalaan na pawang maliliit lamang ang napapaslang.

Ayon sa Obispo, makalipas ang tatlong taong paninilbihan ng Pangulong Duterte ay mas lalo pang dumadami ang kalakalan ng ipinagbabawal na gamot taliwas sa pangakong tatapusin ito sa loob ng anim na buwan.

Ibinahagi rin ni Bishop Tobias ang iba’t-ibang programa ng Simbahang Katolika sa mga naulila sa war on drugs ng gobyerno na batay sa tala ng mga human rights group ay umabot na sa higit 20,000 katao ang napaslang.

“Ang simbahan ay inaayos ang mga nakaligtas sa pagpatay, livelihood ng mga balo at mga scholarships sa mga naulila sa war on drugs ng gobyerno,” saad pa ni Bishop Tobias.

Mensahe ng Obispo kay Pangulong Duterte na huwag takutin ang taumbayan at Simbahan na pumupuna sa mga maling polisiya na ipinatupad ng gobyerno na laban sa karapatan ng mga Filipino.

Ang Misa sa Katotohanan ay dinaluhan ng iba’t ibang grupong nanawagan sa pamahalaan na paigtingin ang pamamahalang makabayan at maka-Filipino.

Ilan sa panawagan ng mga nagkaisang grupo ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, pagbibigay halaga sa sektor ng pangingisda, pagsasaka, manggagawa at ang pagtutol sa pagtatayo ng Kaliwa Dam sa lalawigan ng Quezon.

Bukod kay Bishop Tobias, concelebrant din sa Banal na Misa si Kaloocan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez Jr. at Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo katuwang ang ilang Kaparian ng Diyosesis ng Novaliches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 15,805 total reads

 15,805 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 52,906 total reads

 52,906 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 279,176 total reads

 279,176 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 172,643 total reads

 172,643 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 265,882 total reads

 265,882 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top