TDC, nagpasalamat kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 451 total reads

Kinilala ng teachers group ang pagbanggit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa karagdagang pasahod sa mga guro sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address.

Gayunman, inihayag ni Benjo Basas, national chairperson ng Teachers Dignity Coalition na hindi ito ang inaasahan ng mga guro na pamamaraan sa pagtataas ng sahod tulad ng ginawa ng pangulo sa mga uniformed personnel.

“Iba po yung binabanggit niya [Pangulong Duterte] sapagkat hindi po yun yung hinihingi namin [mga guro] na dapat sana ay tama; yung kasalukuyan na salary standardization law, yun yung sinasabi naming dapat na tama,” pahayag ni Basas sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Basas na ang binabanggit ng Pangulong Duterte na Salary Standardization Law ay nakabatay sa SSL na ipinatupad noong 1989 kung saan napabilang ang mga guro sa may pinakamababang puwesto ng mga propesyunal sa pamahalaan.

Sinabi ni Basas na kabilang sa SSL na ito ang mga civilian employee tulad ng mga nars at kawani ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Sa kabila nito nagpasalamat ang grupo sa pahayag ng Pangulo hinggil sa pagtataas ng sahod na unang inasahan ng mga guro nang umupo si Pangulong Duterte noong 2016.

Patuloy pa ring nananawagan ang TDC sa gobyerno na iwasto ang sistema ng pasahod sa mga guro sa Pilipinas at bigyang halaga ang kanilang sektor na nangunguna sa paghuhubog ng mga kabataan na maging bahagi ng lipunan.

Iginiit ng grupo ang P10, 000 pagtaas ng kanilang sahod upang masuportahan din ang pangangailangan ng mga guro na kadalasang gumagastos mula sa sariling bulsa para sa ilang kagamitan sa eskwelahan.

Sa ensiklikal ni Saint Paul VI na ‘Declaration on Christian Education’ binigyan diin na ang lahat ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya, pananaw at lahi ay may karapatang sa sapat na edukasyon hindi lamang para sa kaalaman kundi ang paghubog sa pagkatao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,456 total reads

 21,456 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 58,215 total reads

 58,215 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,485 total reads

 284,485 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,952 total reads

 177,952 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,828 total reads

 270,828 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top