Prayer vigil para sa mga inuusig na Obispo at Pari, isasagawa ng Diocese of Balanga at Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total reads

Makikiisa ang Diyosesis ng Balanga sa Diocese ng Cubao sa pagbibigay ng buong suporta sa mga pastol ng Simbahan na kasalukuyang nahaharap sa kasong sedisyon.

Sa pahayag ni Bishop Ruperto Santos magtitipon at magdiriwang ng Banal na Misa ang mga Pari ng diyosesis ganap na ikaanim ng gabi sa ika – 27 ng Hulyo kung saan partikular itong ini-aalay kay Bishop Honesto Ongtioco ang dating Obispo ng Balanga na kasalukuyang pinunong pastol ng Cubao na kabilang sa kinasuhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group.

“This is our solidarity with the Diocese of Cubao and our filial support with Bishop Nes [Ongtioco],” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Naunang inihayag ng Diyosesis ng Cubao ang pagsasagawa ng Prayer Vigil sa ika – 27 ng Hulyo upang ipakita ang suporta kay Bishop Ongtioco kung saan isang misa ang gaganapin alas 6 ng hapon na pangungunahan ni Fr. Steven Zabala – Vicar General ng diyosesis habang susundan naman ito ng prusisyon at prayer vigil sa harapan ng Bishops’ residence.

Read: Prayer Vigil sa mga kinasuhan ng sedisyon, isasagawa ng mananampalataya

Iginiit ni Bishop Santos na isang mabuting ehemplo at tunay na lingkod ng Panginoon si Bishop Ongtioco dahil nanilbihan din ito sa Balanga ng limang taon bago itinalagang punong lingkod ng mga kawan ng Diyos sa Cubao.

“In his term here [Balanga] Bishop Nes is very respectful, soft spoken and very straight man of God,” ani ni Bishop Santos.

Ikinagulat din ni Bishop Teodoro Bacani Jr. ang pagkasangkot ng pangalan ni Bishop Ongtioco dahil tahimik lamang itong namamahala sa kanyang diyosesis at gumagabay sa mga kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

Read: Pagkakasangkot ng mga lider ng simbahan sa sedition case, tinawag ng Obispo na stupid

Una nang nagpahayag ng buong suporta ang pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga Obispo at Paring isinangkot sa kasong sedisyon na aniya’y hindi kapani-paniwala sapagkat ginagampanan lamang nito ang kanilang mga tungkulin bilang mga lingkod ng Diyos at nananalanging lalabas ang katotohanan sa imbestigasyon.

Read: CBCP, ipinagtanggol ang mga Obispo at Paring isinasangkot sa sedition case

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,222 total reads

 31,222 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,339 total reads

 67,339 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,609 total reads

 293,609 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 187,076 total reads

 187,076 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,460 total reads

 279,460 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top