Mga kritiko ng pangulong Duterte, hindi dapat ituring na subersibo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 361 total views

Hindi dapat na ituring na mga subersibo o mapanghimagsik ang mga indibidwal na nagnanais lamang na maisulong ang pangkabuuang pag-unlad, kapayapaan at katarungan sa bayan.

Ito ang pagninilay ni Archdiocese of Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations kaugnay sa kontrobersyal na kasong sedisyon na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa 35-indibidwal na kinabibilangan ng ilang mga Pari at Obispo ng Simbahang Katolika.

Paliwanag ng Arsobispo, hindi dapat na bigyan ng ibang pakahulugan ng pamahalaan ang pagnanais ng ilang indibidwal at maging ng mga lingkod ng Simbahan na maisulong ang pagkakaroon ng tunay na pag-unlad sa lipunan kasabay ng pagnanais ng kapayapaan at katarungang panlipunan.

“Well that is definitely not true saka we know that yung mga pagkilos ng ilang mga tao doon is really for peace and justice and to bring about authentic development for our society so let us not say that they are subversives but they are really for the development of the country…”pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang binigyang diin ng Arsobispo na walang kredibilidad ang testigo na nagdadawit sa iba’t ibang personalidad at ilang mga opisyal ng Simbahan sa planong destabilisasyon laban sa pamahalaan.

Read: Bikoy, tinaguriang “fake news” ng Arsobispo

Nauna na ring ipinagtanggol at nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas at si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Davao Archbishop Romulo Valles sa ilang obispo at pari sa pagkakasangkot sa nasabing kaso at ipananalangin ang pag-iral ng katarungan at katotohanan sa lipunan.
Nagpalabas din si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng panalangin ng suporta sa mga inuusig na pari at Obispo.

Read: Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 218,741 total views

 218,741 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 248,965 total views

 248,965 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 275,609 total views

 275,609 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 370,582 total views

 370,582 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 377,449 total views

 377,449 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top