17th Marian Exhibit ng Radyo Veritas, matutunghayan sa Shangrila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 613 total reads

Kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ni Maria, magsisimula ngayong araw (Aug.15) ang pagbubukas ng ika-17 Marian Healing Exhibit ng Radio Veritas sa Shangrila Plaza, Mandaluyong City.

Hinihikayat naman ni Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radyo Veritas ang mga kapanalig at mananampalataya na tangkilikin ang exhibit bilang bahagi ng pagpapalago ng debosyon sa Mahal na Ina.

“We encourage the Catholic faithful to visit and support the Marian exhibit and foster devotion to Mary Blessed Virgin, Mother of God and Mother of Church, because she is the path towards salvation and peace,” ayon kay Fr. Pascual, pangulo ng Radyo Veritas.

Bukod sa mga iba’t ibang imahe ng Mahal na Ina, tampok din sa exhibit ang mga imahe ng mga Banal ng simbahan kabilang na sina St.Therese at St. Padre Pio.

Dagdag pa ng pari, napapanahon ang exhibit hindi lamang sa personal na debosyon kundi maging sa pag-aalay ng panalangin sa kinakarap na suliranin ng lipunan tulad ng karahasan, kawalang katarungan at hindi pagkakasundo-sundo.

“Timely ang exhibit sa nagaganap na kalituhan, pagkawatak watak, karahasan, injustice at hindi pagsunod sa batas,” ayon pa kay Fr. Pascual.

Gaganapin naman ang pormal na pagbubukas at pagbabasbas ng exhibit ngayong araw alas-2 ng hapon.

Ang exhibit ay magtatagal hanggang sa ika-15 ng Setyembre na bukas para sa lahat ng mga mananampalataya simula alas-9 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Ang Pilipinas ay kilala sa pagtatangi sa Mahal na Birhen na una na ring tinagurian bilang Pueblo Amante de Maria o Bayang namimintuho kay Maria.

Sa katunayan, higit na sa 40 imahe ng Mahal na Birhen ang binigyang pagkilala (canonically crowned) ng Vatican.

Taong 1907 nang unang putungan ng korona at kilalanin ng Vatican ang Nuestra Señora del Santisimo Rosario Dela Naval Manila ng Quezon City.

At pinakahuli ang nakatakdang Canonical Coronation ng Our Lady of Sorrows ng Dolores Quezon itinakda sa Marso ng susunod na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 23,827 total reads

 23,827 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 57,903 total reads

 57,903 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 94,386 total reads

 94,386 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 112,597 total reads

 112,597 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 195,664 total reads

 195,664 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top