Bilang bahagi sa pagsagip sa kalikasan: Libo-libong puno, itatanim ng mananampalataya sa Bohol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Hinimok ng Obispo ng Tagbilaran ang mamamayan sa Bohol na makiisa sa isasagawang sabayang pagtatanim ng mga punong kahoy.

Ayon kay Bishop Alberto Uy ito ay bilang pakikiisa sa pangangalaga sa kalikasan upang mapanatiling maayos at kapakipakinabang sa mamamayan dahil ito ang nag-iisang tahanan ng sanilikha.

“To all parishes, BEC’s, religious organizations, schools, communities and ministries sa September 1 mananom na pod ta’g linibo ka mga kahoy [magtanim na naman tayo ng libu-libong mga kahoy],” panawagan ni Bishop Uy.

Ito rin ay pakikiisa ng diyosesis sa pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa season of creation tuwing unang araw ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre sa kapistahan ni San Francisco ng Assisi.

Giit ng obispo, isang seryosong usapin ang global warming at unti-unting pagkasira ng daigdig dahil sa kapabayaan ng tao kaya’t mahalagang mapigilan ang tuluyang pagkasira nito para sa ikabubuti ng mga susunod na henerasyon bilang tagapagmana ng kalikasan.

“Our Mother Earth is bleeding and hurting. Everyone has to do something, contribution a solution,” ani ng Obispo.

Noong nakalipas na taon nakapagtanim ang diyosesis ng higit sa 50,000 iba’t ibang uri ng punong kahoy sa mga piling lugar sa Bohol sa tulong ng iba’t ibang grupo at mga komunidad na nagkaisa para sa pangangalaga sa kalikasan.

Nanawagan din si Bishop Uy sa mga Bol-anon na maghanda ng mga seedlings upang na magagamit at maipapamahagi sa pagtatanim ng mga puno.

Ang hakbang ay pagtalima sa panawagan ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si na pangalagaan ang kalikasan laban sa mapanirang gawain ng mga tao para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Umaasa si Bishop Uy na magiging matagumpay ang tree planting activity sa pagbubukas ng Season of Creation at dalangin ang pagkakaisa ng mga Bol-anon na tinatayang nasa higit isang milyong Katoliko para sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 66,274 total reads

 66,274 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 145,049 total reads

 145,049 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 178,496 total reads

 178,496 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 213,793 total reads

 213,793 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 437,593 total reads

 437,593 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top