Ika-7 Trade fair ng Caritas Margins, binuksan sa Trinoma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

Inihayag ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang maiangat ang pamumuhay ng mga dukha sa lipunan.

Ayon sa Obispo sa pagpakumbaba nakatutulong ang tao na maitaas ang mga labis nahihirapan at mapagaan ang kanilang mga dalahin sa buhay.

“Wala nang mas mataas na tindig ng isang tao kaysa sa mga taong nagpapakababa para itataas ang kanyang kapwa this is the meaning of Caritas Margins we cooperate to lift each other up,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Pinangunahan ni Bishop Ongtioco ang misa at pormal na pagbukas ng buy and give trade fair ng Caritas Margins nitong ika – 25 ng Setyembre sa Quezon City kasama si Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas kung saan tampok ang mga produktong gawa ng mga maliliit na komunidad mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Sa pagninilay ng Obispo sinabi nitong higit kinalulugdan ng Panginoon ang lumilingap sa mga dukha sapagkat ito’y maituturing na pagkakawanggawa.

“When we reach out to the poor, we open the gates of the kingdom of God,” ani ni Bishop Ongtioco.

Pangunahing layunin ng Caritas Manila ang tulungan ang mga dukha sa lipunan lalo na ang mga maralitang tagalunsod na maiangat ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng pagsasanay pangkabuhayan na unang tinututukan ng Caritas Margins.

Sa kasalukuyan may 1, 500 mga partners ang Margins sa iba’t ibang komunidad sa Metro Manila at mga lalawigan ng buong bansa.

Kabilang sa mga tinutulungan ng Caritas Margins na maipakilala sa publiko ang mga produkto ay ang ilang micro-entrepreneurs na nais lumago ang negosyo na binubuo ng mga kooperatiba, mga bilanggo at maging ang mga magsasaka.

Naniniwala ang Caritas Margins sa kasabihang ‘buying is a new way of giving’ sapagkat pinaghihirapan din ng mga mamumuhunan ang kanilang mga kinikita.

Sa kasalukuyang trade fair na magtatagal hanggang ika – 27 ng Setyembre may 25 exhibitors na mga kooperatiba ang lumahok na nagtataguyod sa mga produktong gawang Filipino.

Matatagpuan ang ika – 7 Buy and Give trade fair sa Trinoma Mall Activity Center sa lunsod Quezon na inaasahang masusundan pa sa mga susunod na buwan sa ibang mga kilalang establisimiyento.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 11,335 total reads

 11,335 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 97,927 total reads

 97,927 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 135,301 total reads

 135,301 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 166,561 total reads

 166,561 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 238,840 total reads

 238,840 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top