Project Shake, inilunsad ng CRS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 822 total reads

Matagumpay ang Catholic Relief Services (CRS) sa paghatid ng mga programa na tumutulong sa mga komunidad na mapagtibay at laging handa ang mamamayan sa mga sakunang posibleng maranasan sa bansa.

Kinilala ni Karen Janes, ang Head of Programs ng CRS Philippines ang aktibong pakikiisa ng buong komunidad sa pangunguna ng lokal na pamahalaan upang maisakatuparan ang mga proyekto nito sa bansa.

“It won’t be successful if we don’t have collaboration in any government organization, local government units, church, when the disaster happens everyone has been prepared; its making the home safer,” pahayag ni Janes sa Radio Veritas.

Ika – 26 ng Setyembre pormal na nagtapos ang limang taong ‘Project SUCCESS (Strengthening Urban Communities Capacity to Endure Severe Shocks) ng CRS kung saan pinagtibay ang mga komunidad sa pamamagitan ng mga pagsasanay laban sa baha.

Suportado ng United States Agency International Development (USAID) ang CRS sa mga programang tulad ng pagtatag ng mga community based risk reduction, pagtuturo sa wastong pamamaraan ng pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagbara sa mga lagusan na sanhi ng pagbaha at iba pang proyekto.

Ang ‘Project SUCCESS’ ay nakabatay sa mandato ng Office of Foreign Disaster Assistance (OFDA) na iligtas ang buhay ng mamamayan, iangat ang sambayanan sa kahirapan dulot ng mga kalamidad at bawasan ang epekto ng kalamidad sa lipunan at ekonomiya.

Sa kabuuan higit sa 14, 000 kabahayan o katumbas sa halos 90 libong indibidwal ang natulungan ng CRS mula sa 9 na mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila, Bulacan at Rizal kabilang na ang mga 29 na mga high-risk barangay.

Sa pagtitipon, kapwa nagbahagi ang mga kinatawan ng bawat komunidad sa malaking pagbabago at patuloy na mga programa sa tulong ng CRS, USAID, Caritas – social arm ng Simbahang Katolika, mga parokya at ahensya ng gobyerno.

Kinilala ng CRS ang bawat barangay na aktibong nakilahok sa kanilang programa kasabay ang paglunsad ng panibagong programa ng ‘Project SHAKE’ na layong palakasin ang kamalayan ng mamamayan sa lindol lalo’t pinangangambahan ang ‘The Big One’ sa malaking bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan sa pakikipagtulungan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST – Philvocs).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,024 total reads

 31,024 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,154 total reads

 67,154 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,424 total reads

 293,424 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 186,891 total reads

 186,891 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,282 total reads

 279,282 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top